Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Grief Bites: Isiniwalat na Pag-aalinlanganHalimbawa

Grief Bites: Doubt Revealed

ARAW 1 NG 7

May isang pamilyar na pakiramdam ang mga dumaranas ng kalungkutan (o pagkawala) na maaari nilang maramdaman... ngunit marami ang walang kakayahan bigyan ito ng ngalan.

Ito ay isang pakiramdam na binabalot ang isang nagdadalamhating puso, ngunit napakaliit na ang marami ay hindi nakakaunawa kung paano ito naitatanim ng malalim sa mga ugat ng kanilang kaluluwa.

Duda.

Nang ako ay dumaan sa isang mahirap na karanasan sa kalungkutan, hindi ko lubos malaman kung bakit ako ay nagkaroon pa ng pananabik para sa Diyos, sa Kanyang kalooban, at sa Kanyang mga kaparaanan... gayon pa man ay hindi ako lubusang masiyahan sa Diyos o sa Kanyang Salita.

Ako ay nagagambala sa tuwing nanalangin ako o nagbabasa ng aking Biblia.

Habang nananalangin ako sa Diyos, naghahangad na mapagtagumpayan ang nakakagambala at kawalang-interes na nadarama ko, ipinahayag Niya sa akin na ang problema sa ugat ay hindi pagkagambala... at hindi ito kawalang-damdamin. Ito ay hindi kakulangan ng pokus... o pati ang kawalan ng kakayahan upang umupo lamang.

Ang ugat ng aking problema ay pagdududa.

Hindi ko pinagdudahan ang kabutihan ng Diyos. Alam ko sa aking puso na SIYA ay mabuti. Kahit na pinagdaanan ko ang maraming kapahamakan, lagi Niya akong binibigyan ng lubos na biyaya upang tulungan akong makita ang Kanyang kabutihan sa bawat araw.

Hindi ko pinagdudahan ang pagmamahal ng Diyos... Alam kong Siya ay pag-ibig at ang lahat ng pag-ibig ay nagmumula sa Kanya.
Sinuman sa anumang oras ay maaaring tumingin sa paligid at makita ang mga kamangha-manghang mga katibayan ng Kanyang kahanga-hanga at dakilang pag-ibig.

Ipinahayag ng Diyos sa aking puso na hindi ko pinag-alinlanganan ang Kaniyang ABILIDAD na trabahuhin ang aking buhay... ngunit ang Kaniyang KAGUSTUHAN upang kumilos at magtrabaho sa aking kalagayan.

Nag-alinlangan ako hindi kung ano MAARING gawin ng Diyos... ngunit kung ano ang NAIS Niyang gawin.

Gaano karami sa atin ang may pag-aalinlangan ngayon?
Ilan sa atin ang nag-isip na hindi tayo karapat-dapat sa Diyos na kumikilos para sa atin?
Ilan sa atin ang pinagdudahan ang katapatan ng Diyos?

Hindi natin kayang magtiwala sa ating mga puso, sa ating mga saloobin, o sa ating mga damdamin sa panahon ng pag-aalinlangan... kailangan nating subukin ang ating mga saloobin at damdamin, at sanayin ang ating mga puso na magtiwala sa Diyos upang madaig ang pagdududa.

Kung nakipaglaban ka na sa pagdududa, ang plano ng pagbabasa na ito ay para sa iyo.

Magsimula tayo sa paghiling sa Diyos upang tulungan tayo na madaig ang ating (mga) pag-aalinlangan at tulungan tayo sa anumang sitwasyon ng kawalan ng pananampalataya na maaari nating harapin.

Sumali sa akin sa susunod na 7 araw habang hinahanap natin ang pinagmulan kung saan nanggagaling ang kinalalagyan ng ating mga pag-aalinlangan.
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Grief Bites: Doubt Revealed

Ikaw ba ay may pinaglalabanang kabiguan, pag-aalinlangan, o nagdududa sa kabutihan ng Diyos sa gitna ng unos ng buhay? May nararanasan ka bang kawalang-interes o kaguluhan sa iyong espiritwal na paglalakbay? Ang 7-araw na babasahing ito ay makakatulong na maipakita ang anumang pag-aalinlangan sa iyong puso at tutulungan kang gamitin ang pagdududang ito bilang senyales na mas lumapit sa puso ng Diyos.

More

We would like to thank Grief Bites for providing this plan. For more information, please visit: www.griefbites.com