Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Grief Bites: Isiniwalat na Pag-aalinlanganHalimbawa

Grief Bites: Doubt Revealed

ARAW 2 NG 7

Hindi tanyag ang salitang pagdududa sa komunidad ng mga Cristiano. Karamihan sa mga Cristiano ay takot na aminin anumang anyo ng pagdududa na meron sila dahil sa pakiramdam na kasalanan ang magkaroon ng pagduda, o dahil sa panghuhusga ng iba.

Kapag nangingibabaw ang pagdududa, iniisip ng marami na ito ay kakulangan sa pananampalataya...o kulang sa paniniwala sa Diyos at sa Kanyang salita...kaya marami ang tahimik na naghihirap. Dahil sa kanilang tahimik na paghihirap, nawawala ang pagunlad ang kanilang pagsunod sa Diyos.

Mahalaga na malaman kung paano natin panghahawakan ang ating mga pagdududa para maranasan natin ang mayamang pakikipag-ugnayan natin sa Diyos na higit na kaya natin magkaroon.

Isipin mo kung ano ang talagang meron kang pagdududa ngayon.

Nagdududa ka ba na kaya ng Diyos:
gamutin ang iyong basag na puso...sagipin ang iyong kasal...tulungan ka sa pinansyal...patawarin ka...tuluyan kang tanggapin...gamutin ang basag mong kaluluwa...gumalaw sa buhay ng rebeldeng asawa o anak...na kaya Niya maglaan...o kaya Niya gumawa sa ano pa mang sitwasyos na nagpapahirap sa iyong kalooban?

Nagkaroon ako ng pagdududa sa Diyos sa ibang sitwasyon...at hindi ko iyon nalaman o napag-tanto ng mga oras na iyon.

Maraming rason sa ating pagdududa.

Marami ang nagdududa na may malasakit ang Diyos. Pero alam mo ba yumuyuko pa nga ang Diyos mula sa Langit upang marining ang ating mga panalangin, sakit ng puso, pag-aalala, kahit na ang ating mga katanungan?

Napakabuti Niya! Hindi Niya kailangan yumuko para marinig tayo, pero dahil sa Kanyang kahanga-hangang pag-ibig, maluwag sa kalooban Niya itong pinili. Alam mo ba ng kinolekta ng Diyos bawat luha na iyong iniyak at isinulat bawat sakit sa puso na iyong naranasan sa ledger?

Totoong may malasakit ang Diyos sa bawat sakit sa puso at taos sa pusong tanong o hiling na meron tayo. May malasakit Siya sa atin sa lahat ng sitwasyon na ating hinaharap...nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.

Kung pakiramdam mo ay wala na ang iyong relasyon sa Diyos, ang pagdududa ang maaaring salarin.

Naiisip mo ba kung paano hinaharap ng Diyos ang mga mapag-duda? Sa Banal na Kasulatan, ipinakita ng Diyos ang mapagmahal na ehemplo ng awa sa karamihan ng mga kilalang mapag-duda, Thomas.

Ngayong, totoong isipin mo ang tungkol at pamagatan ang iyong pagdududa. Hilingin sa Diyos na ihayag anuman na pagdududa na pinang-hahawakan ng iyong puso. Maging lubos na tapat at maliwanag. Maaaring masorpresa ka sa sagot na maihahayag.

Piliin ngayon, tulad ni Thomas, na dalhin ang iyong pagdududa sa Diyos at ilagay ang iyong pagdududa sa Kanyang mga kamay. Alam na Niya kung ano ang nasa iyong puso kaya maging totoo. Ang totoong gantimpala ay ang mas malapit na relasyon sa Kanya!
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Grief Bites: Doubt Revealed

Ikaw ba ay may pinaglalabanang kabiguan, pag-aalinlangan, o nagdududa sa kabutihan ng Diyos sa gitna ng unos ng buhay? May nararanasan ka bang kawalang-interes o kaguluhan sa iyong espiritwal na paglalakbay? Ang 7-araw na babasahing ito ay makakatulong na maipakita ang anumang pag-aalinlangan sa iyong puso at tutulungan kang gamitin ang pagdududang ito bilang senyales na mas lumapit sa puso ng Diyos.

More

We would like to thank Grief Bites for providing this plan. For more information, please visit: www.griefbites.com