Pagsasa-ayos ng Iyong UgnayanHalimbawa
Ano ang salungatan?
Napansin mo bang ang iyong pinakamatinding sakit at pagkabigo ay bunga ng isang nasirang ugnayan?
Kapag mayroong hindi tama sa ugnayan mo at ng isang tao, tinatawag natin itong salungatan.
Alam mo kung paano ito nangyayari. Ito ay tulad noong nagkaroon ka ng matinding pakikipag-away sa iyong mga magulang, o noong nagpakalat ng tsismis tungkol sa iyo ang iyong kaibigan sa paaralan. O kaya naman, para sa iyo, ay noong ang iyong kasintahang babae o kasintahang lalaki ay nakipaghiwalay sa iyo sa Snapchat.
Hindi mahirap maunawaan kung ano ang salungatan dahil nararanasan natin ito araw-araw. Ipagpaumanhin mo kung kailangan kong sabihin ito sa iyo, ngunit hindi rin ito maiiwasan. Bakit? Dahil tayo ay mga tao, at ang mga tao ay magulo! Wala sa atin ang perpekto, at kapag sinusubukan ng mga taong hindi perpekto na gumawa, madaling magkaroon ng salungatan.
Ngunit ang salungatan ay hindi laging isang masamang bagay. Sa totoo lamang, ang isang maayos na salungatan ay maaaring humantong sa maayos na ugnayan. Ngunit kapag hindi natin hinaharap ang salungatan sa isang maayos na paraan, ito ay parang lason. Dahan-dahan itong tatagos sa ating mga ugnayan. at hahawahan ang lahat ng bagay at lahat ng taong nakakasalamuha natin. Sa Biblia, alam na alam ito ng sumulat ng Mga Hebreo. Kaya nga sinasabi sa Mga Hebreo 12:15 RTPV05 ito: ...Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y napapasamâ ang iba.
Mahalaga para sa ating ayusin ang salungatan, sapagkat ang uri ng ating pamumuhay ay magiging kasing-ayos lamang sa kalidad ng ating ugnayan.
Kaya nga, paano natin maaayos ang salungatan sa paraang mapaparangalan ang Diyos? Sa susunod na apat na araw, malalaman natin kung bakit takot tayo sa salungatan, kung paanong nakakaapekto ang salungatan sa ugnayan natin sa Diyos, at paano nating haharapin ang salungatan sa isang maayos na pamamaraan. Ang aming dalangin ay huminto ka sa iyong takot sa salungatan at simulan mong harapin ito upang magkaroon ka ng mas mabuti at mas matibay na ugnayan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Lahat tayo ay nakaranas na ng salungatan sa ilang bahagi ng ating buhay. Bakit? Dahil tayo ay mga tao, at ang tao ay nagkakaroon ng kaguluhan! Ngunit, hindi natin kailangang katakutan ang salungatan. Sa totoo lamang, ang isang maayos na salungatan ay maaaring humantong sa maayos na ugnayan. Sa pamamagitan ng 5-araw na Gabay na ito, titingnan natin kung bakit ang mga salungatan ay mahalaga sa Diyos at kung paano tayong makapagsisimula nang tama sa ating ugnayan sa ibang tao.
More