Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsasa-ayos ng Iyong UgnayanHalimbawa

Getting It Right With Others

ARAW 2 NG 5

Bakit ba natin kinatatakutan ang salungatan? 

Katulad ng ating napag-aralan kahapon, ang salungatan ay hindi maiiwasan. Kaya, bakit tayo lubhang natatakot dito? Narito ang ilang mga kadahilanan kung bakit kinatatakutan natin ang salungatan:

1. Nagiging balisa tayo dahil dito. Sa huli, hindi lamang hindi nakakatuwa ang salungatan. Kapag nararamdaman nating mayroong hindi tama, alam nating kailagang may gawin tayo, ngunit kung minsan, sinusubukan nating itago ang ating nararamdaman upang iwasan ang salungatan. 

2. Nararamdaman nating wala tayong kontrol dito. Kapag nakakaranas tayo ng salungatan, ang pakiramdam natin ay wala na tayong kontrol sa buhay natin. Ito rin ang dahilan kung bakit mas gusto pa nating magpadala ng mensahe sa text sa halip na makipag-usap sa telepono—ang nais natin ay may kontrol tayo sa ating pakikipag-usap at sa sitwasyon. 

3. Hindi natin sinusunod ang Diyos. Kung minsan ay kinatatakutan natin ang salungatan sapagkat hindi natin ginagawa ang nais ng Diyos na gawin natin. Kapag nagtitiwala tayo sa Diyos, alam nating nais Niyang nasa tamang lugar ang ating mga ugnayan. Kapag pinipili nating iwasan ang salungatan at hinahayaan nating lasunin tayo nito, pinipinsala nating ang mga ugnayang nais ng Diyos na itama natin. 

Ngayon na batid na natin kung bakit tayo natatakot sa salungatan, maaari na tayong magsimulang pagtagumpayan ito. Mas malaki ang Diyos kaysa sa ating mga takot, at ang takot ay hindi galing sa Diyos. Kung ganoon, kapag ikaw ay nag-aalala tungkol sa isang salungatan, ipanalangin mo ito. Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka ng karunungan at ng tamang mga salita upang malunasan ang isang nasirang ugnayan. Bukas, tutuklasin natin kung paanong ang salungatan ay nakakaapekto sa ating ugnayan sa Diyos. 

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Getting It Right With Others

Lahat tayo ay nakaranas na ng salungatan sa ilang bahagi ng ating buhay. Bakit? Dahil tayo ay mga tao, at ang tao ay nagkakaroon ng kaguluhan! Ngunit, hindi natin kailangang katakutan ang salungatan. Sa totoo lamang, ang isang maayos na salungatan ay maaaring humantong sa maayos na ugnayan. Sa pamamagitan ng 5-araw na Gabay na ito, titingnan natin kung bakit ang mga salungatan ay mahalaga sa Diyos at kung paano tayong makapagsisimula nang tama sa ating ugnayan sa ibang tao. 

More

Nais naming pasalamatan ang Switch, isang ministeryo ng Life.Church, sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: www.life.church