Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsasa-ayos ng Iyong UgnayanHalimbawa

Getting It Right With Others

ARAW 5 NG 5

Paglutas sa salungatan

Ang pinakamagandang halimbawa na mayroon tayo sa paglutas ng salungatan ay ang Diyos mismo. Paulit-ulit, tayo ay lumayo sa Kanya. Nagkasala tayo laban sa Kanya. At gumawa tayo ng mga bagay na batid nating hindi mabuti para sa atin.

Kaya napagpasyahan ng Diyos na magkaroon ng kalutasan sa salungatan—kasama tayo. Paano Niya ginawa ito? Nang may pagpapakumbaba at sa direktang pamamaraan. 

Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak, si Jesus, dito sa mundo upang isilang sa isang aba at maruming kuwadra ng hayop. Pumarito Siyang katulad din natin—bilang isang tao. Nabuhay Siyang tulad ng isang tao. Ngunit hindi katulad natin, si Jesus ay namuhay ng isang buhay na ganap at walang kasalanan. At pagkatapos, namatay Siya sa krus upang bayaran ang ating mga kasalanan na siyang pinakasukdulang kalutasan sa salungatan. 

Hindi Niya kailangan gawin ito, ngunit pinili Niya ito. Kinuha Niya ang nararapat na para sa atin at inilagay sa Kanya. Namatay Siya upang harapin ang salungatan at mapatawad ang ating mga kasalanan upang makasama natin Siya.

Kung tinatawag natin ang ating mga sariling taga-sunod ni Jesus, nararapat na sundin natin ang Kanyang pangunguna. Ang ibig sabihin nito ay maaaring maging masalimuot ang mga bagay-bagay. Hinihingi Niya sa ating harapin ang salungatan sa maayos na paraan sa halip na takbuhan natin ito, sa pamamagitan ng pagharap dito kaagad, sa direktang paraan at may pagpapakumbaba—katulad ng Kanyang ginawa.

Kailangan nating tandaan na ang pagharap sa isang salungatan sa maayos na pamamaraan ay hindi laging magbubunga sa kaayusan ng ating mga ugnayan. Kung minsan, maaaring hindi tanggapin ng mga tao ang ating paghingi ng tawad. At kung minsan, ang salungatan ay hindi kaagad mawawala. Ngunit, nakakagamot sa ating mga puso kapag natututunan nating harapin ang ating salungatan, kahit na nga hindi nito magamot ang ating ugnayan. Bakit? Dahil kapag hinaharap natin ang salungatan sa tamang paraan, nagiging katulad tayo ni Jesus. 

Kaya nga, yakapin natin ang salungatan. Maging katulad tayo ni Jesus—mapagpakumbaba at mapagpatawad. Tandaan: Iniligtas Niya tayo nang hindi tayo karapat-dapat. Kaya't ibigay din natin ang biyayang ito sa ibang tao, kahit na maaaring iniisip nating hindi rin sila karapat-dapat dito. 

Gawing panalangin ito: Panginoon, tulungan Mo akong harapin ang salungatan sa paraang magbibigay ng karangalan sa Iyo. Bigyan Mo ako ng karunungan upang maitama ko ang aking mga ugnayan. Tulungan Mo akong magpatawad sa iba tulad ng pagpapatawad Mo sa akin. Sa pangalan ni Jesus, amen.

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Getting It Right With Others

Lahat tayo ay nakaranas na ng salungatan sa ilang bahagi ng ating buhay. Bakit? Dahil tayo ay mga tao, at ang tao ay nagkakaroon ng kaguluhan! Ngunit, hindi natin kailangang katakutan ang salungatan. Sa totoo lamang, ang isang maayos na salungatan ay maaaring humantong sa maayos na ugnayan. Sa pamamagitan ng 5-araw na Gabay na ito, titingnan natin kung bakit ang mga salungatan ay mahalaga sa Diyos at kung paano tayong makapagsisimula nang tama sa ating ugnayan sa ibang tao. 

More

Nais naming pasalamatan ang Switch, isang ministeryo ng Life.Church, sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: www.life.church