Anim na Araw ng mga Pangalan ng DiyosHalimbawa
ARAW 5: ELOHE TSADEKI –ANG DIYOS NG AKING KATWIRAN
Lagi tayong nag-aabang sa susunod na malaking bagay. Ang sikreto sa pagiging organisado. Ang susi sa magandang pangangatawan. Ang pinakamainam na plano para sa isang matatag na pananalapi. Nagbabasa tayo ng mga libro, nakikinig ng mga podcast, at nagpapalista para sa mga seminar. At bagaman ang pagiging organisado, ang magandang pangangatawan at matatag na pananalapi ay mga kapaki-pakinabang na hangarin, kailangan nating makatiyak na hindi natin nalalampasan ang kabuuang larawan kapag hinahanap natin ang susunod na malaking bagay.
Ang pangunahing punto ng buhay ay sundin ang Diyos, maging katulad Niya at mabuhay para sa Kanya. At ang pagiging katulad ng Diyos ay nangangahulugan ng paglago sa kabutihan at katuwiran. Mula sa Panginoon ay dumadaloy ang awa, biyaya, kapangyarihan at lakas—lahat ng katangiang kailangan natin sa ating buhay at sa ating mundo. Ibinibigay ng Diyos ang lahat ng ating kailangan sa pamamagitan ng Kanyang Salita at ng Kanyang Espiritu upang tayo'y mamuhay sa masaganang kagalakan. Kapag pinili natin ang Kanyang mga hangarin kaysa sa sarili natin at sinisikap nating maging higit na katulad Niya, ginagabayan at pinapatnubayan Niya tayo.
Ang pagsunod sa plano ng Diyos ay maaaring mas mahirap kaysa manatili sa anim na madaling hakbang upang maging maganda ang pangangatawan o sampung paraan upang mawala ang kalat sa iyong tahanan. Ngunit ito rin ay higit na kapaki-pakinabang. Kapag bumaling tayo sa Diyos at ibinigay ang ating buhay sa Kanya, pinatatawad Niya tayo at binibigyan tayo ng Kanyang habag. Tinutulungan Niyang ayusin ang mga nasirang relasyon at pinupuno Niya ang ating mga puso ng katuwiran, biyaya at kapayapaan. Ang mabuting bunga ay nagmumula sa pagsunod sa Diyos at pagbibigay-pahintulot sa Kanyang katuwiran upang gabayan ang ating mga hakbang.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mula sa mapakaraming mga pangalan ng Diyos, ipinahayag Niya sa atin ang mga aspeto ng Kanyang katangian at ng Kanyang kalikasan. Bukod sa Ama, Anak, at sa Banal na Espiritu, ipinapakita ng Biblia ang higit sa 80 iba't ibang pangalan ng Diyos. Narito ang anim na pangalan at ang kanilang mga kahulugan upang tulungan ang mananampalatayang maging mas malapit sa Nag-iisang Totoong Diyos. Mga halaw mula sa Experience the Power of God's Names: A Life-Giving Devotional, ni Dr. Tony Evans. Eugene, OR: Harvest House Publishers, 2017.
More