Anim na Araw ng mga Pangalan ng DiyosHalimbawa
ARAW 2: ELOHE CHASEDDI –DIYOS NG KAHABAGAN
Hindi laging ginagarantiyahan ng buhay ang mga pangalawang pagkakataon. May mga panahong ang ating mga maling desisyon—masasakit na salitang sinabi sa kaibigan, mga pagkakamaling nagawa sa trabaho, mga pagpili sa buhay na hindi maayos—ay may kapalit na hinihingi sa atin. Nawawala ang ating pakikipagkaibigan. Natatanggal tayo sa trabaho. Naapektuhan ang ating kalusugan. Kahit magbago tayo ng isipan, walang kasiguraduhang ang lahat ay magiging maayos.
Ngunit, ang kahabagan ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng pangalawang pagkakataon at pangalawang pagkakataon pang muli. Si Elohe Chaseddi—ang Diyos ng kahabagan, ay pinauulanan tayo ng kapatawaran at pinaliliguan tayo ng pagmamahal. Siya ay laging totoo. Siya ay laging maawain. Siya ay laging mapagmahal. Kung mahal natin Siya't tayo'y humingi ng tawad sa Kanya, ibinibigay Niya ito. Tuwina.
Dahil Siya ay Diyos ng kahabagan, maaari tayong mabuhay nang walang takot. Maaari natin laging makamtan ang kapayapaan ng isip at pusong sagana Niyang ibinibigay nang walang bayad. Nangangako Siyang lagi natin Siyang kasama at palalampasin tayo sa bawat nakakabagabag na sitwasyon at bawat mahirap na panahon. Kahit na ang mga pagkakamali ay kagagawan natin, lagi Siyang handang magbigay ng pagpapatawad sa isang pusong nagsisisi.
Sa halip na mag-alala sa nangyari kahapon, nais ng Diyos na tumuon tayo sa ngayon. Paano natin Siya mapaglilingkuran ngayon? Ano ang mga planong nais Niyang magawa natin ngayon? Paano natin Siya maiibahagi sa ibang tao ngayon? Iyan ang kagandahan ng habag—mga pangalawang pagkakataon, pagtanaw sa hinaharap, habang nakatuon sa kinabukasang inihanda Niya para sa atin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mula sa mapakaraming mga pangalan ng Diyos, ipinahayag Niya sa atin ang mga aspeto ng Kanyang katangian at ng Kanyang kalikasan. Bukod sa Ama, Anak, at sa Banal na Espiritu, ipinapakita ng Biblia ang higit sa 80 iba't ibang pangalan ng Diyos. Narito ang anim na pangalan at ang kanilang mga kahulugan upang tulungan ang mananampalatayang maging mas malapit sa Nag-iisang Totoong Diyos. Mga halaw mula sa Experience the Power of God's Names: A Life-Giving Devotional, ni Dr. Tony Evans. Eugene, OR: Harvest House Publishers, 2017.
More