Anim na Araw ng mga Pangalan ng DiyosHalimbawa
ARAW 1: EL EMUNAH – ANG TAPAT NA DIYOS
Gusto nating isipin na tayo'y mga tapat na nilalang. Pumapasok tayo sa ating trabaho nang nasa oras (kadalasan) at ginagawa ang ating trabaho nang may kasipagan. Nagbibigay tayo ng oras sa ating pamilya at mga kaibigan. Nakikisali tayo sa ating simbahan at nagpapalista sa mga komite at pagkakataong magboluntaryo. Pero gaano man tayo magsumikap upang maging tapat, hindi tayo perpekto. Sigurado, may pagpupulong na hindi tayo madadaluhan o laro ng soccer ng ating anak na hindi natin mapapanood o nakaatas na pagboboluntaryong makakalimutan natin.
Dahil hindi tayo laging magiging tapat na nilalang, nagbibigay ng kapanatagan na malamang naglilingkod tayo sa isang tapat na Diyos. Ang pangalan Niya ay El Emunah na ang kahulugan ay "ang tapat na Diyos," at maaasahan ang Kanyang pagdating, upang gumawa sa ating buhay. Laging tumutupad sa Kanyang mga pangako? Tsek. Laging nakikinig sa ating mga panalangin? Tsek. Laging nasa atin? Tsek.
May mga bagay na nangyayari sa ating buhay na pumipigil sa ating maging ganap na tapat sa ibang tao. Dahil tayo'y mga tao, natutukso tayong gumawa ng mga pagpili batay sa pangangalaga natin sa ating sarili, sa pagiging makasarili, at sa kasakiman. Sa simpleng pananalita, hindi natin kayang maging perpekto sa lahat ng oras. Pero kapag hindi natin kinakaya, ang Diyos ang gumagawa. At mahinahon Niya tayong ginagabayan pabalik sa gawaing iniatang Niya sa atin upang gawin—ang gawain ng pagiging tapat at pagdamay sa ibang tao. Kapag bumabaling tayo sa Kanyang pagiging perpekto sa mga panahon na hindi tayo perpekto, ang Kanyang katapatan ang nagpapabago sa atin.
Kung naging makahulugan sa iyo ang debosyonal na ito, gusto naming mag-alok sa iyo ng isang regalo ng isang pag-download ng pangaral tungkol sa pangalang Jehovah Jireh. Hilingin ang buong sermon ni Tony Evans dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mula sa mapakaraming mga pangalan ng Diyos, ipinahayag Niya sa atin ang mga aspeto ng Kanyang katangian at ng Kanyang kalikasan. Bukod sa Ama, Anak, at sa Banal na Espiritu, ipinapakita ng Biblia ang higit sa 80 iba't ibang pangalan ng Diyos. Narito ang anim na pangalan at ang kanilang mga kahulugan upang tulungan ang mananampalatayang maging mas malapit sa Nag-iisang Totoong Diyos. Mga halaw mula sa Experience the Power of God's Names: A Life-Giving Devotional, ni Dr. Tony Evans. Eugene, OR: Harvest House Publishers, 2017.
More