Isang Salita na Magbabago sa Iyong BuhayHalimbawa
Isabuhay ang Iyong Salita
Itakda
Ang iyong Isang Salita ay maaaring dumating sa iyo sa pamamagitan ng isang pag-uugali, isang disiplina, isang tao, isang espiritwal na bagay na iyong pinagtutuunan ng pansin, isang katangian, o isang mahalagang bagay. Ang mga sumusunod na mga halimbawa ng mga posibleng salita ay hindi nangangahulugang isang talaan ng pagpipilian, kundi isang panimulang punto lamang ng mga ideya: pag-ibig, kaligayahan, pagtitiyaga, kabaitan, kapahingahan, panalangin, kalusugan, pagsasanay, pakikibagay sa mga pangyayari, pagmamalasakit, pagkakaroon ng malapit na kaugnayan, disiplina, pananagutan, lakas ang loob, positibo, sariwa, nagbibigay-sigla, wakas, kadalisayan, katapatan, at kalakasan.
Ang pagsasabuhay ng iyong salita ay makatutulong upang manatili kang nakatuon at hindi madaling maagaw ng iba ang iyong pansin. Nakikita natin ang epekto nito kay Nehemias na nanatiling nakatutok sa pagtatayo ng pader. Sa Nehemias 6:3, hindi siya bumaba sa pinagtatrabahuan niya, sapagkat ginagawa niya ang isang bagay na ipinasya niyang gawin—ang muling pagtatayo ng pader! At napakahusay ng kanyang ginagawa. Laging tatandaan, kapag isinasabuhay mo ang iyong salita, ikaw ay gumagawa ng isang dakilang gawain.
Lumabas ka sa lugar na iyong nakasanayan.
Ang prosesong ito ay nakapagdudulot ng kasiyahan, subalit maaari din itong magdulot ng suliranin. Haharapin mo ang mga balakid na hindi mo aakalaing darating. Masusubukan ang iyong katatatagan—iyan ay isang katiyakan. Ngunit higit tayong natututo kapag tayo’y umaalis sa lugar na ating nakasanayan na, kung kaya’t huwag kang lilihis ng landas.
Mahalagang tandaan at ituon ang iyong isip sa iyong salita sa buong taon. Kung ang iyong salita ay wala sa unahan ng iyong isipan, makakalimutan mo ito.
Panatilihin mo ang iyong Isang Salita sa harapan at igitna ito.
Sa loob ng ilang taon na kami’y patuloy na sumusubok at nagkakamali, may mga natuklasan kaming mga payak at makapangyarihang pamamaraan kung paano mo mapananatili ang iyong Isang Salita sa unahan at sa gitna ng iyong buhay sa buong taon.
Una, ilagay ang iyong salita kung saan madali mo itong makikita araw-araw. Napapako ang iyong paningin sa bagay na nakakakuha ng iyong pansin; at ang anumang pinagtutuunan mo ng pansin ang kalimitang natatapos. Ang paggawa ng mga paalala ay mahalaga. Isulat ito at ilagay sa lugar na madali mong makita, katulad ng iyong locker sa paaralan, sa iyong kotse, sa iyong mesa o sa silid kung saan mo inilalagay ang iyong mga gamit.
Ikalawa, ibahagi ang iyong salita sa iyong Stretch Team—ang mga malalapit mong kaibigan, mga kasama sa paglalaro, at ang iyong pamilya o mga taong mahalaga sa iyo at mapagkakatiwalaan mo nang walang pag-aalinlangan. Sila ang iyong Stretch Team, sapagkat sila ang mga taong hahatak sa iyo at tutulungan kang lumago. Bigyan mo sila ng pahintulot na tanungin ka tungkol sa iyong salita.
Kapag ginawa mo ang dalawang simpleng bagay na ito—ang paglalagay ng iyong salita kung saan madali mo itong makikita at ang pagbabahagi nito sa ibang tao—makatitiyak ka sa iyong paglago. Maaari kang makaranas ng kasiyahan at kalungkutan, subalit ang lahat ng ito ay bahagi ng proseso. Sa pagsasabuhay mo ng iyong salita, hayaan mong gamitin ng Diyos ang kapayakan ng tema ng iyong Isang Salita upang mabago ang iyong pang-araw-araw na buhay.
Simulan na.
1. Ano ang isang bagay na maaari mong gawin upang lagi mong maalala ang iyong Isang Salita?
2. Ilista ang tatlo sa mga taong malalapit sa iyo na pagbabahaginan mo ng iyong salita.
3. Paano mo isasabuhay ang iyong Isang Salita bilang isang mag-anak, negosyo, o pangkat?
Workout
Nehemias 6, Mga Gawa 4:16-20, Mga Taga-Colosas 3:17,23
Overtime
“Panginoon, hinihiling ko po na tulungan Ninyo ako na lubusang isabuhay ang aking salita sa taong ito. Tulad ni Nehemias, tulungan Ninyo akong ipako ang aking isipan sa pagsasabuhay nito at huwag hayaang may gumambala sa akin. At sakali mang dumating ang mga ito, bigyan po Ninyo ako ng kalakasan upang manatiling nakatuon sa gawain kung saan ako’y Inyong tinawag. Sa pangalan ni Jesus, Amen.”

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang ISANG SALITA ay tumutulong na maging payak ang iyong buhay sa pamamagitan ng pagtutok sa ISANG SALITA sa loob ng isang taon. Ang kapayakan ng pagtuklas sa salitang inilaan ng Diyos para sa iyo ay nakapagbibigay-daan sa pagbabagong-buhay. Ang kawalang-ayos at kaguluhan ay nagdudulot ng pagpapaliban sa mga gawain at pagkaparalisa, samantalang ang pagiging payak at pagkakaroon ng pokus ay daan patungo sa tagumpay at kaliwanagan. Ipinapakita sa 4-araw na debosyonal na ito kung paano mo maisasabuhay ang isang salitang mithiin mo para sa buong taon.
More
Nais naming pasalamatan sina Jon Gordon, Dan Britton, at Jimmy Page sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.getoneword.com