Isang Salita na Magbabago sa Iyong BuhayHalimbawa
Ang Proseso ng Isang Salita
Itakda
Sa kabila ng lahat, kinagigiliwan pa rin natin ang ideya na sa pagsapit ng Bagong Taon ay bago ang lahat at nakapagsisimula tayong muli. Sa wakas ay maaari nang magbawas ng timbang, magtalaga ng bagong babasahin araw-araw, manalo ng mas madalas sa mga laro, pag-igihan lalo ang pag-eensayo, manalangin nang mas taimtim, maglagak ng mas maraming oras para sa pamilya, bayaran ang mga utang, mag-aral nang mabuti, o ibahagi si Jesus sa mas maraming kaibigan. Ngunit sa katunayan ang mahahabang listahan ng mga resolusyon na ito ay madalang na magkatotoo.
Isa sa mga lunas dito ay ang pag-alis sa lahat nang ito at paggamit na lamang ng isang mahalagang salita para sa susunod na taon, upang ito’y maging isang simpleng batayan.
Kaya’t halina at ating tingnan ang praktikal na gamit ng konsepto ng Isang Salita. Narito ang mga hakbang upang matulungan kang malaman ang paksa ng iyong Isang Salita. Tandaan na maaaring tumagal ang prosesong ito, ngunit tiyak namang kapaki-pakinabang. Ikaw man ay isang manlalaro, guro, magulang, o namumuno sa isang organisasyon, ang prosesong ito ay maaaring magdulot ng pambihirang tagumpay sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.
Ang proseso ng Isang Salita ay may tatlong simpleng hakbang – Look In, Look Up, at Look Out.
Unang Hakbang – Ihanda ang Iyong Puso (Look In) – Dito ay gagawa ka ng paraan na malayo sa ingay at kaguluhan sa iyong paligid. Ang paghahanap ng katahimikan at lugar kung saan maaaring makapag-isa ay mahirap, ngunit napakahalagang marinig mo ang Diyos. Habang hinahayaan natin ang Diyos na saliksikin ang ating puso, bibigyan Niya tayo ng kalinawan.
Ikalawang Hakbang – Tuklasin ang Iyong Salita (Look Up) – Ang hakbang na ito ay tutulungan tayong dumikit sa Diyos at makinig sa Kanya. Ang pagbibigay ng oras para sa panalangin—ang simpleng pakikipag-usap sa Diyos—ang simula. Itanong ito sa Kanya: Ano ang nais Ninyong gawin sa akin at sa pamamagitan ko ngayong taon? Ang tanong na ito ay makatutulong sa iyo na matuklasan ang salitang nakalaan sa iyo. Huwag kang pumili ng magandang salita; tanggapin mo ang salitang kaloob ng Diyos.
Ikatlong Hakbang – Isabuhay ang Iyong Salita (Look Out) – Sa oras na matuklasan mo ang salitang nakalaan sa iyo, kailangan mong isabuhay ito. Ang iyong salita ay makakaapekto sa lahat ng aspeto ng iyong buhay: sa pisikal, sa pag-iisip, sa damdamin, sa iyong mga pakikipag-ugnayan, at maging sa pinansyal. Panatilihin ang iyong Isang Salita sa harapan at igitna ito. Ibahagi sa mga taong handang managot para sa iyo o malalapit na kaibigan at pamilya ang iyong salita para sa taon. Isulat ito sa iyong journal. Ipaskil ito sa iyong refrigerator. Pag-usapan ito sa hapag kainan kasama ang iyong pamilya. Gawin ang lahat nang kinakailangan upang hindi ito mawala sa iyong paningin at manatili itong laging bago. Ipinagdarasal namin na ang taong ito ay magdulot ng pambihirang tagumpay para sa iyo at nawa’y dalhin ka ng Panginoon sa susunod na antas at gamitin ang iyong Isang Salita para sa Kanyang kaluwalhatian!
Simulan na
1. Ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo ngayon tungkol sa paksa ng iyong Isang Salita?
2. Tiyaking maglaan ng oras sa pagdarasal at hilinging mangusap sa iyo ang Diyos.
3. Gawin ang tatlong hakbang at hayaan ang Diyos na ihayag ang salitang nakalaan sa iyo.
Workout
Mga Awit 27:4; Mga Awit 84
Overtime
“Panginoon, hinihiling ko po na magkaroon ako ng isang pambihirang taon. Gamitin po Ninyo ang paksa ng Isang Salitang ito upang magbigay ng kaluwalhatian sa Inyo. Banatin po Ninyo ako sa buong prosesong ito. Ipahayag po Ninyo sa akin ang katotohanan. Gawin po Ninyo itong payak upang maunawaan ko. Mangusap Kayo, Panginoon, ang Inyong lingkod ay nakikinig. Sa pangalan ni Jesus, Amen.”

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang ISANG SALITA ay tumutulong na maging payak ang iyong buhay sa pamamagitan ng pagtutok sa ISANG SALITA sa loob ng isang taon. Ang kapayakan ng pagtuklas sa salitang inilaan ng Diyos para sa iyo ay nakapagbibigay-daan sa pagbabagong-buhay. Ang kawalang-ayos at kaguluhan ay nagdudulot ng pagpapaliban sa mga gawain at pagkaparalisa, samantalang ang pagiging payak at pagkakaroon ng pokus ay daan patungo sa tagumpay at kaliwanagan. Ipinapakita sa 4-araw na debosyonal na ito kung paano mo maisasabuhay ang isang salitang mithiin mo para sa buong taon.
More
Nais naming pasalamatan sina Jon Gordon, Dan Britton, at Jimmy Page sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.getoneword.com