Aking Kasukdulan Para Sa Kanyang Kadakilaan (My Utmost For His Highest)Halimbawa
Ang Tawag ng Likas na Buhay
Ang pagtawag na Diyos ay hindi pagtawag na paglingkuran Siya sa anumang partikular na paraan. Ang aking pakikitungo sa likas ng Diyos ang magbibigay ng hugis sa aking pagkaunawa ng Kanyang pagtawag at tutulong sa akin na mapagtanto kung ano ang tunay na nais kong gawin para sa Kanya. Ang pagtawag ng Diyos ay paghahayag ng Kanyang likas; ang paglilingkod na magreresulta sa aking buhay ay nababagay sa akin at paghahayag ng aking likas. Ang pagtawag ng likas na buhay ay inilahad ng alagad na Pablo—"minabuti Niyang... nang ihayag sa akin ang Kanyang Anak, upang maipangaral ko Siya [na ibig sabihin ay sa dalisay at mataimtim na pamamaraan] sa mga Hentil. . . .”
Ang paglilingkod ay ang pag-apaw mula sa isang buhay na puspos ng pagmamahal at debosyon. Ngunit ang katunayan ay walang tumpak na ganyang pagtawag. Ang paglilingkod ang bahagi ko sa aming ugnayan, at pagsasalamin ng aking pakikipag-isa sa likas ng Diyos. Ang paglilingkod ay magiging likas na bahagi ng aking buhay. Dinadala ako ng Diyos sa tamang relasyon sa Kanya upang maunawaan ko ang Kanyang pagtawag, at matapos ay maglilingkod ako sa Kanya nang sarili ko sa buyo lamang ng lubos na pagmamahal. Ang paglilingkod ay ang sadyang pag-aalay ng pagmamahal mula sa likas na nakarinig ng pagtawag ng Diyos. Ang paglilingkod ay paghahayag ng aking likas, at ang pagtawag ng Diyos ay paghahayag ng Kanyang likas. Kung gayon, kapag natanggap ko na ang Kanyang likas at narinig ang Kanyang pagtawag, ang Kanyang banal na tinig ay aalingawngaw sa buong likas Niya at sa aking likas at kaming dalawa ay magiging isa sa paglilingkod. Inihahayag ng Anak ng Diyos ang Kanyang sarili sa buhay ko, at mula sa debosyon sa Kanya ang paglilingkod ay nagiging pang-araw-araw na pamamaraan ko ng buhay.
Panginoon, ang Iyong Salita ay dumarating nang napakatahimik at sinasaklaw ang lahat—“Ang naghahangad na maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin,” at, “Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.” Kunin ako na maging lingkod Mo sa ganitong diwa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa loob ng mahigit na walumpung taon, ang "My Utmost for His Highest" o "Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas" ni Oswald Chambers ay isa sa mga librong pinakamarami nang nakabasa sa mundo ng Cristianismo. Ngayon ay ikinalulugod naming ipalabas ang espesyal na edisyon na itong may tatlumpung debosyonal na pinili mula sa Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas, na idinisenyo upang ipakilala ang isang bagong henerasyon sa walang hanggang mga katotohanan ng Banal na Kasulatan na itinuro sa pamamagitan ng mga hindi nagmamaliw na salita ni Oswald Chambers. Kasama rin sa mga seleksyon na ito ang personal na panalangin ni Oswald Chambers sa bawat gabay.
More