Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Mga Talinhaga ni JesusHalimbawa

The Parables of Jesus

ARAW 21 NG 36

ASIN AT ILAW
Inihahalintulad tayo ni Jesus sa asin at ilaw sa katuruang ito, na siyang nagpapakita kung paano tayo dapat nakaaapekto sa mga nasa paligid natin.

Kapaki-pakinabang ang asin sa preserbasyon at pagpapalasa ng pagkain. Dinadala mo ba ang kaparehang kapakinabangan sa lupon ng iyong impluwensya? "Tinitimplahan" mo ba ang iyong mga pag-uusap, mga relasyon, mga interaksyon, ng katotohanan at pagpapala ni Jesus? Nagagawa mo bang "ipreserba" ang katotohanan kapag si Cristo ang pinag-uusapan sa iyong paligid?

Bilang karagdagan, nararapat na maging ilaw para sa mundo ang mga naniniwala, hindi para itago, ngunit upang magbigay liwanag sa lahat ng nakapaligid sa kanila. Hindi mo dapat itago ang "ilaw" mo sa pagsasabing pribado ang kaugnayan mo kay Cristo. Paano kaya nakakatulong ang mga salitang iyon sa mga salita ni Cristo dito? Paliwanagin mo ang ilaw ni Cristo sa iyong mga nasa paligid sa pamamagitan ng iyong mga hindi maipagkakailang mabubuting gawa!

Banal na Kasulatan

Araw 20Araw 22

Tungkol sa Gabay na ito

The Parables of Jesus

Ihahatid ka ng gabay na ito sa mga talinhaga ni Jesus, tutuklasin ang ibig sabihin ng ilan sa Kanyang pinakadakilang aral para sa iyo! Nagbibigay pahintulot ang maramihang araw ng paghahabol na mapanatiling nakakasunod ang mambabasa sa kasalukuyang araw ng gabay at magkaroon ng oras upang makapagnilay at mahikayat ng pag-ibig at kapangyarihan ni Jesus!

More

We would like to thank Trinity New Life Church for this plan. For more information, please visit: http://www.trinitynewlife.com/