Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Mga Talinhaga ni JesusHalimbawa

The Parables of Jesus

ARAW 20 NG 36

ANG KAPALIT NG PAGIGING ALAGAD
Napakaraming pagkakataon tayong hinikayat na sundin si Jesus na may alok na "purong benepisyo at walang kapalit." Sa halip, ang libreng regalong ito ay nangangahulugan ng lahat sa atin, ngunit di hamak na mas malaki ang natatanggap nating kapalit kumpara sa anumang isinusuko natin!

Kung lumapit ka kay Cristo sa kaisipang hindi mo kailangang magsuko ng kahit ano at kukuha ka lamang mula kay Jesus, siguraduhing suriin mo ang iyong puso upang malaman kung mayroon mang bagay na hindi mo isusuko sa pagsunod sa Kanya sakaling tanungin ka Niya.

Sa pagbabahagi mo ng iyong pananampalataya sa iyong mga kaibigan, hindi mo kailangang matakot na tulungan silang maunawaan ang kapalit nito. Hindi upang takutin sila bagkus upang bigyan sila ng makatotohanang larawan ng pagsunod kay Jesus. Kung susubukan nating manghikayat ng mga tao patungo sa isang walang kapalit na Ebanghelyo, maaaring mas mapalayo pa sila kay Cristo kaysa noong nagsisimula pa lamang sila kapag nabigo sila matapos harapin ang tunay na halaga ng pagsunod kay Cristo.

Banal na Kasulatan

Araw 19Araw 21

Tungkol sa Gabay na ito

The Parables of Jesus

Ihahatid ka ng gabay na ito sa mga talinhaga ni Jesus, tutuklasin ang ibig sabihin ng ilan sa Kanyang pinakadakilang aral para sa iyo! Nagbibigay pahintulot ang maramihang araw ng paghahabol na mapanatiling nakakasunod ang mambabasa sa kasalukuyang araw ng gabay at magkaroon ng oras upang makapagnilay at mahikayat ng pag-ibig at kapangyarihan ni Jesus!

More

We would like to thank Trinity New Life Church for this plan. For more information, please visit: http://www.trinitynewlife.com/