May Power Ang Words NatinHalimbawa

Mga bulong ng isipan š§
Kapag nag-iisa ka, lalo bago ka matulog, ano ang mga bagay na laging nasa isip mo? Do you have any worries? Mga reklamo? May mga appreciation ba sa mga mahahalagang tao sa buhay mo? Or are there problems youāre still trying to solve?
Bakit namin naitanong ito sa series about the power of words? Dahil ito sa isang importanteng principle: whatever is in our hearts and minds is reflected in the words that come out of our mouths. Basahin natin itong sinabi ni Jesus:
Ganoon din naman ang tao. Ang mabuting tao ay nagsasalita ng mabuti dahil puno ng kabutihan ang puso niya. Ngunit ang masamang tao ay nagsasalita ng masama dahil puno ng kasamaan ang puso niya. Sapagkat kung ano ang nasa puso ng isang tao, iyon din ang lumalabas sa kanyang bibig. (Lucas 6:45 ASND)
Naku, kung ano pala ang nasa pusoāt isipan natin ay may influence sa kung ano ang lumalabas sa mga bibig natin. Thatās why, in our desire to speak good and uplifting words, napaka-importante nitong passage from the Bible:
ā¦mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais. (Filipos 4:8 ASND)
Paano natin gagawin ito? Sa family namin, we are intentional about spending time in nature, dahil isa itong halimbawa ng magaganda at kapuri-puring bagay. Sinasadya rin naming magbasa ng mga good books, at makinig sa mga uplifting songs.
How about you? Ano kaya ang isang bagay na pwede mong gawin today that can feed your mind with what is good, pure, honorable, and admirable? Kuwento mo sa amin kung anu-ano ang mga ito!
Tandaan mo, isa kang miracle!
Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa May Power Ang Words Natin
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day