Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

May Power Ang Words NatinHalimbawa

May Power Ang Words Natin

ARAW 6 NG 7

Secret of happiness: gusto mo bang malaman? šŸ¤

Do you know na gusto pala ni Lord na maging maligaya at masagana ang buhay mo? Sometimes, akala natin, tayo lang ang may gustong maging maligaya. Kapag binasa natin ang Bible, marami tayong makikitang verses that reveal Godā€™s desire for us to live an abundant life, like this verse:

Dumarating ang magnanakaw para lang magnakaw, pumatay at mangwasak. Ngunit dumating ako upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap. (Juan 10:10 ASND)

Ngunit, sinasabi rin sa Bible na ang pag-iisip ni Lord ay nakapataas compared sa ating pag-iisip, at ang pamamaraan Niya ay kakaiba din sa pamaraan natin (Isaias 55:8-10). Why are we bringing this up? Dahil may sinasabi din sa Bible kung paano maging maligaya at masagana ang ating buhay. Tingnan natin ito:

Sapagkat sinasabi sa Kasulatan , ā€œAng sinumang nagnanais ng maligaya at masaganang pamumuhay ay hindi dapat magsalita ng masama at kasinungalingan. (1 Pedro 3:10 ASND)

Naku, nakikita mo ba? Parang ang simpleng pakinggan ano? Pero alam nating hindi madaling tanggalin ang lahat ng masama at kasinungalingan sa ating mga salita. At alam mo ba, lies are not just the blatant ones: kasinungalingan din pala to assume the worst about others without evidence.

I-check mo ngayon if thereā€™s a lie youā€™re believing about someone. Kung hindi ka sure, maaari mo itong i-clarify sa kanya. For example, baka may friend kang iniisip mo ay galit sa iyo. In reality, perhaps itā€™s only in your head; pero kung makakapunta ka sa kanya, pwede mong tanungin kung totoo ito o hindi. That way, hindi magpapaikot-ikot sa kasinungalingan ang isip mo.

Mahal ka Niya at isa kang miracle!

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

May Power Ang Words Natin

7-day Reading Plan Patungkol sa May Power Ang Words Natin

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day