May Power Ang Words NatinHalimbawa

Alin ang mas madali: mag-appreciate or magreklamo? 😳
Ngayong papalapit tayo sa Valentine’s Day, we’re excited to share our series for this week about the power of our words. Hopefully, makakatulong ito sa iyo to form a stronger connection sa mga taong importante sa iyo.
Let’s be honest. Kapag tiningnan mo ang usual pattern mo ng pagsasalita, which one is easier for you: mag-appreciate or magreklamo?
Para sa karamihan sa atin, it’s easier to find things to complain about than to look for things to appreciate. Mas lalo itong nangyayari sa mga closest relationships natin. Napansin mo ba, habang lalo tayong napapalapit sa isang tao, mas lalo tayong nagiging comfortable to express our grievances? Actually, hindi naman mali mag-express ng feelings natin; but the challenge perhaps is, kapag hindi tayo nagiging intentional to look for things to appreciate, madali itong hindi mapansin at hindi na tuloy magawa.
Sabi daw sa research, sa buhay ng isang bata, a reprimand requires 9 affirmations to return its emotional balance to neutral. Can you imagine kung ang relationship mo sa mga taong pinakamalapit sa iyo ay puno ng negative words and lacking in positive ones? This could likely lead to disconnection at mahihirapan lumago ang relasyon.
Basahin natin itong nakasulat sa Bible:
Ang salita ng tao ay makapagliligtas ng buhay o kaya ay makamamatay. Kaya mag-ingat sa pagsasalita sapagkat aanihin mo ang mga bunga nito. (Kawikaan 18:21 ASND)
Today, here’s our challenge for you: isipin mo ang isang taong mahalaga sa buhay mo, at mag-isip ng 3 things na na-appreciate mo sa kanya. Then, practice saying this verbally to him or her (whether in person or through text or messenger). Hopefully, through these little actions na gagawin habitually, makatulong ito to strengthen the relationships in your life.
Isa kang miracle!
Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa May Power Ang Words Natin
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day