Masterpiece Ka NyaHalimbawa
May role ka ba sa mundong ito?
Ano bang mga bagay ang masasabi mong may talent o di kaya’y expert ka? Magaling ka bang kumanta, or magdrawing? Or mahilig ka bang makinig sa mga friends mo at magbigay ng encouragement?
Kung nahirapan kang sagutin ang questions na ito, malamang ay nag-i-struggle ka sa kakayanan mo. Marami sa atin ngayon ang nakakaramdam ng ganito, usually kapag may mga nakikita tayo sa social media na mga ka-age natin na mas marami ng achievements.
May mga times din kaming nakakaramdam na there’s something lacking sa amin. Kunwari for me (Yen), may mga pagkakataon na naco-compare ko ang family activities namin sa mga nakikita ko sa Facebook. Sometimes I feel down dahil sa mga nakikita kong match sa ideal ko sana for my own kids, na hindi nangyayari.
Sa mga times na ito, nakaka-help sa akin to know na masterpiece pala ako ni Lord. Hindi ako nagkukulang sa kung anu-anong assignment Niya sa akin, and hindi ko role ang i-compare ang sarili ko sa mga ginagawa ng ibang tao.
Sa isang letter ni Paul sa Ephesus, sinabi nyang:
Nilikha tayo ng Dios; at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, binigyan niya tayo ng bagong buhay, para gumawa tayo ng kabutihan na noon paʼy itinalaga na ng Dios na gawin natin. (Efeso 2:10)
Nai-imagine mo ba? Noon pa daw ay nai-set na ni Lord ang mga kabutihang gagawin natin, dahil nilikha Niya tayo. Sa English translation, we are described as “workmanship” Niya, “created in advance to do good works.”
Hindi pala tayo accident, but from the very start, masterpiece Niya tayo at may naka-set na Siyang assignment sa atin.
Let’s take a moment right now to think about our talents and gifts na bigay ni Lord.
Don’t forget, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7-day Reading Plan Patungkol sa Psalm 139
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day#subscribe