Masterpiece Ka NyaHalimbawa
Alam mo bang may kasama ka?
May mga struggles ka bang pinagdadaanan now na parang nag-iisa ka? Mahirap pag ganun, di ba?
Last year, may mga pangyayari sa family life namin na hindi naging madaling ayusin. It took us many months to process, and looking back, natutuwa kami sa growth namin as a couple. Pero habang pinagdadaanan namin ang mga panahong iyon, napakahirap at nag-struggle kami sa feeling na parang kami lang at walang makakaintindi or makakatulong sa amin. In reality, may mga mentors kaming tumulong naman, and super grateful kami sa kanilang help.
But other than sa help from our friends and mentors, isa sa pinakamalaking naka-encourage sa amin ay ang thought na kasama pala namin si Lord sa lahat ng iyon. Nakasulat sa Salmo 139:5:
Lagi ko kayong kasama, at kinakalinga nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan…
And there’s more, sa Salmo 7-10 ASND:
Paano ba ako makakaiwas sa inyong Espiritu? Saan ba ako makakapunta na wala kayo? Kung pupunta ako sa langit, nandoon kayo; kung pupunta ako sa lugar ng mga patay, nandoon din kayo. At kung pumunta man ako sa silangan o tumira sa pinakamalayong lugar sa kanluran, kayo ay naroon din upang akoʼy inyong patnubayan at tulungan.
It’s OK to admit na may mga struggles tayo. And hopefully, it will uplift you also to know na kahit ano pa ang pinagdadaanan natin, kasama natin si Lord.
Right now, icha-challenge kita: mag-set tayo ng kahit 2 minutes lang, ipikit ang mga mata and iimagine na nakahawak si Lord sa kamay mo, na sinasamahan ka Niya sa lahat ng pinagdadaanan mo. Ready, set, go!
…So how does it feel? Sana nakakatulong ito sa iyo. Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7-day Reading Plan Patungkol sa Psalm 139
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day#subscribe