Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Masterpiece Ka NyaHalimbawa

Masterpiece Ka Nya

ARAW 4 NG 7

Distant ba si Lord?

Alam mo bang hindi totoong “distant” si Lord?

Sa kinalakihan natin dito sa Pilipinas, karamihan sa atin ay may picture ni God na nakaupo lang sa isang throne sa langit, nagbabantay kung sino ang next na magkakasala, at pagagalitan Niya ito. Pero alam mo ba, ang description sa Bible is that gustung-gusto Niyang maging malapit sa atin?

Noong unang panahon, madami sa mga tao ang nagwo-worship sa mga “gods” na parang transaction lang lahat: kung gagawin ko ito, bibigyan Niya ako ng ganito. Hindi ba minsan ganyan din ang perception natin kay God, na parang vending machine lang o di kaya parang genie?

Pero tingnan natin ang description kay God na isinulat ni David sa isa sa mga songs nya:

O Dios, hindi ko lubos maintindihan ang mga iniisip nʼyo;
itoʼy tunay na napakarami.
Kung bibilangin ko ito, mas marami pa kaysa sa buhangin.
Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin. (Salmo 139:17-18)

Paano ito nangyari, na si God pala ay iniisip tayo? Hindi lang iniisip, kundi na-describe pang “tunay na napakarami” ng thoughts Niya about us, mas madami pa daw kaysa sa buhangin sa beach! Can you count the grains of sand ba? Hindi, di ba? Nakakatuwang isipin na ganoon pala kadami ang good thoughts ni Lord about us.

Kailangan mo bang malaman na iniisip ka ni Lord? Ganoon ka kaimportante sa Kanya!

Today, let’s share this truth kaya sa isang friend natin. Puwede mong i-forward sa kanila ang e-mail na ito, para pwede rin silang mag-sign up sa daily e-mails. Pwede ring itext mo lang ang isang friend mo, something like this, “Iniisip ka ni Lord.”

Totoo ito: isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Masterpiece Ka Nya

7-day Reading Plan Patungkol sa Psalm 139

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day#subscribe