Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kahalagahan ang KatahimikanHalimbawa

Ang Kahalagahan ang Katahimikan

ARAW 3 NG 3

Ikatlong araw: Upang mapag-isa at makapagdasal.

Sinabi, “Ngunit si Jesus naman ay pumupunta sa mga ilang na lugar upang manalangin” (Lucas 5:16).

Narito ang ilang dahilan:

Una, dahil laganap na ang balita tungkol sa mga salitang itinuturo ni Jesus at ang pagpapagaling Niya sa mga may-sakit, napakaraming tao ang dumaragsa upang makinig at humingi ng kagalingan sa Kanya (Lucas 5:15).

Ikalawa, para sa mahalagang desisyon, tulad ng pagpili sa Kanyang labindalawang apostol (Lucas 6:12-16).

Ikatlo, sa paghahanda ng Kanyang sarili para sa darating na mga pangyayari—mula sa pagdakip hanggang sa araw ng pag-akyat sa langit (Matthew 26-28; Acts 1:1-9).

Ang pag-iisa ay napakahalaga. Mahirap ang mababad sa ingay dahil ultimong tinig mo ay hindi mo na maririnig at makikilala pa. At ang walang tigil na pagtakbo ng iyong isipan ay hindi rin makakabuti sa iyo. Kailangan nito ng pahinga.

Higit sa lahat, mahalaga na sa iyong pag-iisa ay ang tularan ang ehemplo ni Jesus na magdasal sa Kanyang Diyos Ama. Ito ang pinakamabuting paraan upang ikaw ay ma-recharge at marinig ang salita ng Diyos Ama para sa iyo.

Basahin: Lucas 5:1-11; Lucas 6:12-19

Pag-isipan: Kailan ang huling pagkakataon mong nakapag-isa at nakapagdasal ng taimtim sa Panginoon? Bakit?

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Kahalagahan ang Katahimikan

Ingay at gulo, mga bagay na hatid ng mundo. Narito ang mga dahilan kung bakit kailangan rin natin ang panahon ng katahimikan.

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://luisacollopy.com