Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kahalagahan ang KatahimikanHalimbawa

Ang Kahalagahan ang Katahimikan

ARAW 1 NG 3

Unang araw: Ang maingatan ang ating pananalita.

Kababalita pa lamang kay Job na namatay ang kanyang mga anak nang dumating pa ang ilang reports na naubos din ang kanyang ari-arian. Masakit man ang kanyang mga narinig, tinanggap ito ni Job at sinabi sa Diyos bilang pagsamba, “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik sa lupa. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh” (1:13-21).

Pero hindi pa tapos si Satanas sa pagsubok kaya “tinadtad ng nagnanaknak na sugat ang buo nitong katawan mula ulo hanggang talampakan…Sinabi [naman] ng kanyang asawa, ‘Mananatili ka pang matuwid? Sumpain mo ang Diyos at nang mamatay ka na!’” (2:7-9).

Kadalasan ay nagpapadala tayo sa ating emosyon kung dumaraan tayo sa paghihirap, kaya nagsasalita tayo ng hindi ayon. Kasama na rito ang ating mga paratang sa Panginoon na hindi Niya tayo mahal at wala Siyang pakialam sa ating ikabubuti. Mahirap pigilin ang ating masakit na pananalita.

Nariyan din ang mga nagmamahal sa atin na nagbibigay ng kanilang opinyon o payo tungkol sa ating problema. Minsan ay nagkakasala rin sila sa kanilang ibinibigay na pangaral, tulad ng mga salita ng asawa ni Job—ang sumpain ang Diyos at ang mamatay na ito. Imbis na makabuti ay lalo pang nakakabigat sa kalooban ng naghihirap.

Basahin: Job 1:13-21; Job 2:7-9

Pag-isipan: Kailan mo pinili ang manahimik at tanggapin ng buong puso ang isang paghihirap? Paano mo ito nakayanan?

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Kahalagahan ang Katahimikan

Ingay at gulo, mga bagay na hatid ng mundo. Narito ang mga dahilan kung bakit kailangan rin natin ang panahon ng katahimikan.

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://luisacollopy.com