Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kahalagahan ang KatahimikanHalimbawa

Ang Kahalagahan ang Katahimikan

ARAW 2 NG 3

Ikalawang araw: Upang marinig ang tinig ng Panginoon.

Sinabi ng Diyos kay Elias, “’Lumabas ka at tumayo sa ibabaw ng bundok sa harapan ko.’ Pagkasabi nito’y dumaan si Yahweh at umihip ang napakalakas na hangin. Sumabog ang bundok at nagkadurog-durog ang mga bato sa lakas ng hangin ngunit wala sa hangin si Yahweh. Nang tumigil ang hangin ay lumindol, ngunit wala sa lindol si Yahweh. Pagkalipas ng lindol ay kumidlat, ngunit wala rin sa kidlat si Yahweh. Pagkalipas ng kidlat, narinig niya ang isang banayad na tinig” (1 Mga Hari 19:11-12).

Ilang dramatic scenes ang ating inaasahan para sa isang pag-uusap sa Panginoon? Maaaring naaalala natin ang “burning bush” moment ni Moses (Exodo 3:2) o di kaya ang “dagundong ng kulog at tunog ng trumpeta” na may kasamang “kidlat at usok sa bundok” bilang pagsubok sa mga Israelita ng Diyos (Exodo 20:18). Nakasanayan din siguro natin ang malalakas na boses ng ating mga kausap.

Dapat tayong matutong makinig sa banayad na tinig ng Panginoon. Ito ang magbibigay sa atin ng kapayapaang hindi natin natitikman dahil “hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo” (Juan 14:27).

Basahin: 1 Mga Hari 19:11-12

Pag-isipan: Paano mo naiisip marinig ang banayad na tinig ng Panginoon? Makikinig ka ba sa sinasabi Niya?

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Kahalagahan ang Katahimikan

Ingay at gulo, mga bagay na hatid ng mundo. Narito ang mga dahilan kung bakit kailangan rin natin ang panahon ng katahimikan.

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://luisacollopy.com