Puro Pera Pero...Halimbawa
Hindi Na Tayo Dapat Kontrolado Ng Pera
Ang mga tagasunod ni Cristo na may tamang pananaw sa pananalapi ay hindi na alipin o kontrolado ng pera. Kaya na nilang bitawan ito anumang oras. Sila ay nagiging mapagbigay at bukas-palad dahil alam nilang ang tunay nilang kayamanan ay nasa langit, kung saan walang magnanakaw na makakakuha at walang insekto na makakasira. Tiniyak ni Jesus sa kanila na sila ay bahagi na ng kaharian ng Diyos, kaya’t hinihikayat Niya silang bitawan ang pagkahawak sa mga ari-ariang makamundo at ituon ang kanilang pansin sa mga kayamanang makalangit.
Tinatawag sila ni Jesus na palayain ang kanilang mga sarili mula sa pang-akit at pagmamahal sa pera sa pamamagitan ng pamumuhunan sa isang kayamanang hindi naglalaho—ang buhay na walang hanggan sa kaharian ng Diyos. Dahil hindi na sila kontrolado ng pera, sila ay nagkakaroon ng tunay na kalayaan at kapayapaan sa paglilingkod sa Panginoon nang walang pag-aalala. Ang kanilang buhay ay nagiging nakatuon sa mga bagay na may panghabang-buhay na halaga, na inuuna ang espirituwal na paglago at pagmamahal sa kapwa.
Sa ganitong pananaw, natutunan nilang mabuhay na may pangwalang-hanggang pananaw, na inuuna ang kanilang relasyon sa Diyos at ang paglilingkod sa iba. Alam nila na ang materyal na kayamanan ay pansamantala lamang at madaling mawala. Kaya't sila ay namumuhay na may tunay na kalayaan, na hindi nababalisa tungkol sa mga bagay na makamundo, at natutong magpahalaga sa mga bagay na may walang hanggang kahalagahan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
“Puro pera na lang ang pinag-uusapan sa church namin!” Nasabi mo na ba ito? Narinig mo na ba ito? Ikaw ba yung pastor o preacher na guilty sa ganitong bagay? Pero, teka muna. Saan ba dapat pag-usapan ang tungkol sa pera? Mahigit 2,300 beses binabanggit ang pera sa Bible. Mukhang maraming nais sabihin ang Panginoon tungkol dito. Hindi ba dapat pag-usapan natin ito? Sa devotional na ito, alamin natin kung bakit mahalagang maunawaan ang tungkol sa pera ayon sa salita ng Diyos upang tayo ay maging tapat na alagad ni Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Real Life Christian Communities Philippines sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://rlcc.ph