Puro Pera Pero...Halimbawa
Hindi Dapat Maging Sentro Ang Pera
Ang pera ay mahalaga. Ngunit para sa isang tao na may tamang pag-uunawa sa pananalapi ayon sa kalooban ng Panginoon, ang pera ay hindi na ang sentro ng kanyang buhay. Hindi na ito ang naglalarawan ng kanyang pagkatao. Gaya ng sinabi ni Jesus, "Ang buhay ay hindi nasusukat sa kasaganaan ng mga ari-arian." Subalit marami ngayon ang nagbabatay ng kanilang buhay sa kanilang mga pag-aari. Kapag marami silang pera, pakiramdam nila ay ligtas sila; kapag wala, nakakaramdam sila ng kawalang-katiyakan.
Para sa kanila, ang pera ang pinakamahalagang bagay. Nakikita nila ito bilang mas mahalaga kaysa sa kanilang mga relasyon, na nagiging sanhi ng pagkasira ng kanilang ugnayan sa pamilya at mga kaibigan. Madalas mag-away ang mga tao dahil sa pera, maging sa pribadong usapan o sa pampublikong talakayan. Kapag pinagpapala sila ng Diyos, iniisip nila na ito ay isang pagkakataon upang masigurado ang kanilang kinabukasan, hindi nila nalalaman na ang pera ay hindi kailanman magbibigay ng tunay na seguridad.
Tanging ang Panginoong Jesus lamang ang makapagbibigay sa atin ng tunay na seguridad. Ang pera ay isa lamang kasangkapan na ibinigay ng Diyos upang gamitin sa kabutihan. Kapag ito ang naging sentro ng ating buhay, ito ay nagiging isang diyos-diyosan na sumasakop sa ating puso at isipan. Sa halip na magtiwala sa materyal na bagay, dapat tayong magtiwala sa Panginoon na siyang nagkakaloob ng lahat ng ating pangangailangan at nagbibigay ng tunay na kapayapaan at kasiguruhan sa ating buhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
“Puro pera na lang ang pinag-uusapan sa church namin!” Nasabi mo na ba ito? Narinig mo na ba ito? Ikaw ba yung pastor o preacher na guilty sa ganitong bagay? Pero, teka muna. Saan ba dapat pag-usapan ang tungkol sa pera? Mahigit 2,300 beses binabanggit ang pera sa Bible. Mukhang maraming nais sabihin ang Panginoon tungkol dito. Hindi ba dapat pag-usapan natin ito? Sa devotional na ito, alamin natin kung bakit mahalagang maunawaan ang tungkol sa pera ayon sa salita ng Diyos upang tayo ay maging tapat na alagad ni Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Real Life Christian Communities Philippines sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://rlcc.ph