Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap sa Diyos sa PagsambaHalimbawa

Seeking God in Worship

ARAW 5 NG 8

Dapat nating sambahin ang Diyos kapag mabuti ang ating pakiramdam at kapag tayo'y nasisiraan ng loob! Ang mga salitang "nagsisisi" at "nagpapakababa" ay sinalin mula sa mga salitang Hebreo na nangangahulugang, "dinurog, nabugbog, nasira, o nalulumbay."

Kapag ako ay talagang nababagabag, nais kong magtungo sa isang tahimik na lugar at sambahin ang Diyos bilang aking Kublihang Dako at Tagapagtaas ng Aking Ulo.

Ang tunay na pagsamba ay nagmumula sa isang tapat, mapagkumbabang puso at isang sira, nagpapasailalim na espiritu. Isang pusong naglalakad sa katotohanan, sumusunod sa mga kautusan ng Diyos dahil sa pagmamahal sa Kanya. Isang pusong napagtanto, na maliban sa Diyos ay walang pag-asa. Karapat-dapat Siya sa lahat - lahat ng pagmamahal ng ating puso, kakayahan ng isip, maraming iba't-ibang emosyon, at pisikal na lakas!

Sinasabi ng Mga Taga-Roma 12:1 RTPV05, "Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba."

Basahin ang 1 Mga Cronica 29 at tingnan kung paanong ang pagsamba ay isang buong-buhay na pagpapahayag. Sa mga anong paraan ka tumutugon sa Diyos sa pagsamba? Pagnilayan ang tanong na ito. Isiping isulat ang iyong mga saloobin.
Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Seeking God in Worship

Ang Diyos ay mahiwaga, walang hanggan, imortal, hindi nakikita, ang nag-iisang Diyos. Ang buhay, gayunpaman, ay maaaring maging nakakainip, nakakapagod, at malamig. Ang 8-araw na pag-aaral na ito ay magpapabago sa iyong kapita-pitagang paghanga sa ating Tagapaglikha, at magbibigay inspirasyon sa iyong pagsamba upang maging mas malalim, mas natural, at mas totoo. Tuklasin ang kabigha-bighaning kalikasan ng Diyos, at alamin kung bakit Siya karapat-dapat para sa ating walang takot na pagsamba at adorasyon. Ang gabay na ito ay isinulat ni Amy Groeschel, at bahagi ng kanyang pag-aaral na SOAR kasama ang Diyos. Upang ipagpatuloy ang libreng SOAR na pag-aaral sa Biblia na ito magpunta sa www.Soarwith God.com.

More

We would like to thank Amy Groeschel for this devotional. For more information, please visit: www.SoarwithGod.com