Paghahanap sa Diyos sa PagsambaHalimbawa
Tinanong ng babae si Jesus tungkol sa tamang lugar ng pagsamba. Ipinaliwanag ni Jesus na ang tunay na mga sumasamba ay sasamba mula sa espritu at sa katotohanan—ang katotohanan na si Jesu-Cristo ang Mesiyas at ang nag-iisang Anak ng Nag-iisang Totoong Diyos, ang Diyos ng lahat ng nilikha, at ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob. (Diyos ng mga Judio). Ang anumang uri ng pagsamba sa labas ng "espirtu at katotohanan" ay maling pagsamba. Ang tunay na pagsamba ay pagtataas lamang kay Jehovah, ang Nag-iisang Tunay na Diyos ng Sansinukob! Tanging Siya lamang ang karapat-dapat! Siya ang Espiritu. Hindi Siya limitado sa pagtanggap ng papuri sa isang partikular na pisikal na lokasyon. Wala 'yong katotohanan, tama? Ngunit hindi ba ito ang gawain ng karamihan sa ngayon? Para sa karamihan ang pagpunta sa "simbahan" ay: pagtakda ng oras at lugar para sa pagsamba at pag-iwas rito sa mga nalalabing araw ng linggo.
Saan at paano mo nais na sumamba sa Diyos? Naranasan mo na bang limitahan ang iyong pagsamba sa isang lugar o gawain? Marahil ay oras na upang mamuhay ng isang pamumuhay bilang isang tunay na sumasamba.
Saan at paano mo nais na sumamba sa Diyos? Naranasan mo na bang limitahan ang iyong pagsamba sa isang lugar o gawain? Marahil ay oras na upang mamuhay ng isang pamumuhay bilang isang tunay na sumasamba.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Diyos ay mahiwaga, walang hanggan, imortal, hindi nakikita, ang nag-iisang Diyos. Ang buhay, gayunpaman, ay maaaring maging nakakainip, nakakapagod, at malamig. Ang 8-araw na pag-aaral na ito ay magpapabago sa iyong kapita-pitagang paghanga sa ating Tagapaglikha, at magbibigay inspirasyon sa iyong pagsamba upang maging mas malalim, mas natural, at mas totoo. Tuklasin ang kabigha-bighaning kalikasan ng Diyos, at alamin kung bakit Siya karapat-dapat para sa ating walang takot na pagsamba at adorasyon. Ang gabay na ito ay isinulat ni Amy Groeschel, at bahagi ng kanyang pag-aaral na SOAR kasama ang Diyos. Upang ipagpatuloy ang libreng SOAR na pag-aaral sa Biblia na ito magpunta sa www.Soarwith God.com.
More
We would like to thank Amy Groeschel for this devotional. For more information, please visit: www.SoarwithGod.com