Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap sa Diyos sa PagsambaHalimbawa

Seeking God in Worship

ARAW 1 NG 8

Pagsamba. Lahat tayo ay ginagawa ito. Bawat araw ay ibinibigay natin ang ating pagtingin, pagmamahal, katapatan, karangalan at paggalang sa isang bagay o isang tao. Sino o ano ang iyong sinasamba? Napakadalas na ang debosyon natin ay sa mga makamundong bagay. Ngunit kapag nakikita natin ang Diyos kung sino talaga Siya, ang pagsamba natin ay nagiging totoo at natural.

Isang gabi ay dumalo kami ng aming pamilya sa isang propesyunal na laro ng basketball. Habang tumatakbo ang mga manlalaro habang may mga nagsisipag-ilawang paputok (oo, sa loob ng gusali!) ang mga anak ko ay manghang-mangha. Ang mga high-tech, at full-surround na mga video screen sa arena ay nagsisisigawan sa mga manonood ng, "Magsipag-ingay kayong lahat!"

Ang buong lugar ay punong-puno ng mga sigawan, pasuwit, at kung anu-anong anyo ng paggawa ng ingay. Hindi kapani-paniwala ang kagalakan ng mga tao sa tuwing nakaka-shoot ang home team. Sa aking pagtingin-tingin sa paligid, nakakita ako ng isang lalaking nakasuot ng isang malaking kasuklam-suklam na sumbrero at isang maliit na grupo ng mga batang kalalakihan na may mga pintura sa mukha. Hindi bale kung magaling o hindi ang kanilang sinusuportahang koponan, ang mga fans ay tuwang-tuwa! Ito ay isang uri ng pagsamba.

Ang mga anak ko ay naglalaro ng mga larong-pampalakasan kaya alam ko kung gaano kadali sumobra ang katuwaan sa isang laro. Ang mga palaro ay maaaring maging napakasaya. Nakakatuwa maging isang fan at suportahan ang iyong paboritong koponan. Gayunpaman, naniniwala akong ganoon rin (at mas higit pa) ang simbuyo ng damdamin na nais niyang maipakita sa Kanya, ang All Star Player na Siyang lumikha ng lahat ng mga bituin at alam ang lahat ng pangalan ng mga ito!
Siya ang MVP sa lahat ng oras at pagkakataon! Siya ang Alpha at Omega, ang Simula at Katapusan, Hari ng mga Hari, at Panginoon ng mga Panginoon! Ang Dakilang Ako Nga!

Ang panalangin ko ay magbigay lakas nawa ang simpleng debosyonal na ito sa iyong kaugnayan sa Diyos sa paraang maging todo-bigay ang iyong pagsamba sa Ang Isa at Nag-iisa Lamang na karapat-dapat sa iyong pagsamba. Sumang-ayon ka sa akin sa panalangin kong ito at hindi ka na magiging katulad nang dati! Amen?

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Seeking God in Worship

Ang Diyos ay mahiwaga, walang hanggan, imortal, hindi nakikita, ang nag-iisang Diyos. Ang buhay, gayunpaman, ay maaaring maging nakakainip, nakakapagod, at malamig. Ang 8-araw na pag-aaral na ito ay magpapabago sa iyong kapita-pitagang paghanga sa ating Tagapaglikha, at magbibigay inspirasyon sa iyong pagsamba upang maging mas malalim, mas natural, at mas totoo. Tuklasin ang kabigha-bighaning kalikasan ng Diyos, at alamin kung bakit Siya karapat-dapat para sa ating walang takot na pagsamba at adorasyon. Ang gabay na ito ay isinulat ni Amy Groeschel, at bahagi ng kanyang pag-aaral na SOAR kasama ang Diyos. Upang ipagpatuloy ang libreng SOAR na pag-aaral sa Biblia na ito magpunta sa www.Soarwith God.com.

More

We would like to thank Amy Groeschel for this devotional. For more information, please visit: www.SoarwithGod.com