Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pinili - Paglalantad sa Babaeng na kay CristoHalimbawa

Chosen -  Unveiling the Woman in Christ

ARAW 3 NG 3

WALANG LIMITASYON KAY CRISTO

Sa plano at disenyo ng Diyos para sa sangkatauhan, ginawa Niya ang lalaki at babae at inilagay sila sa pinakamataas na posisyon ng awtoridad na maaaring makamit ng anuman o sinumang nilikha - kay Cristo! Ang Babae ay hindi naisip na panghuli o karagdagan lamang kundi isang bahagi ng orihinal na disenyo ng Diyos.

"Kaya, nilikha ng Diyos ang tao sa Kanyang sariling larawan, sa larawan ng Diyos nilikha Siya; lalaki at babae nilikha Niya sila." - Genesis 1:27

Si Adan ay nilikha sa Genesis 2, at si Eba ay kinuha mula sa kanyang tagiliran at pagkatapos ang pagbagsak ng tao ay kailangang mangyari. Gayunpaman, sinumang lalaki o babae na naniniwala kay Cristo ay natubos na at hindi na nakatali sa kanilang kalikasang mula kay Adan. Sa pamamagitan ng kamatayan, paglibing, at pagkabuhay na mag-uli ni Cristo, sila ay naging pamilya ng Diyos.

Sa simula ng seryeng ito, tinalakay natin ang ating tunay na pagkakakilanlan kay Cristo. Ang pagkakakilanlang ito ay nagdudulot ng mga bagong posibilidad at mga benepisyo ng pagiging bahagi ng pamilya ng Diyos. Hindi natin kailangang maghintay para tamasahin ang mga benepisyong ito, maaari nating makamtan ang lahat kay Cristo sa sandaling maniwala tayo.

Sa aklat ng Mga Bilang 27:5-10, ang mga anak na babae ni Zelofehad ay humingi ng isang bagay na tila di na maiisip. Ang mana na nakalaan ayon sa kultura para sa mga lalaking tagapagmana ay kanila ngunit ang tanging limitasyon nila ay sila'y mga babae.

Ngunit kung ano ang ilalaan ng Kautusang Mosaiko, ang Biyaya ay lumikha ng isang pagbubukod. At sa pamamagitan ng interbensyon ng Biyaya, ang pagbubukod na ito ay naging panuntunan para sa ibang kababaihan sa kulturang iyon. Ang Biyaya ng Diyos ay gumawa ng probisyon para sa mga anak na babae ni Zelofehad at ginawang higit na makakamtan para sa iyo na nakay Cristo.

Ang lahat ng kailangan mo para sa buhay at kabanalan ay mayroon na kay Cristo.

Mahal na Babae kay Cristo, mamuhay ka sa kamalayan ng iyong pagkakakilanlan.

Ipatupad ang katotohanan ng pagiging bagong nilikha sa harap ng mga mapanghamong pangyayari sa pamamagitan ng pananatili sa Ebanghelyo ng Biyaya ng Diyos. Hindi lamang ito nagpapatibay sa atin na malampasan ang mga hamon, lahat ng mga pagpapala ng Diyos para sa ating buhay ay nakapaloob dito.

Habang tinatapos natin ang seryeng ito, ipahayag ang mga salitang ito nang makapangyarihan sa iyong sarili.

Mga pagpapahayag:

  • Ako ang katuwiran ng Diyos kay Cristo Jesus
  • Ako ang tinubos ng Panginoon
  • Ako ang minamahal ni Abba
  • Ang lahat ng aking mga kasalanan ay pinatawad
  • Ako ay lubos na minamahal ng Diyos
  • Ako ay lubos na tinutulungan ng Diyos
  • Ako ay iniingatan at pinoprotektahan ng Diyos
  • Kinagigiliwan ko ang tulong ng mga Anghel
  • Ako ay hindi maikakailang pinagpala
  • Ako ay pinatawad nang walang hanggan
  • Ako ang pinagaling ng Panginoon
  • Nasisiyahan ako sa banal na kalusugan
  • Nasa akin ang pabor at karunungan ng Diyos
  • Ako ay nagbubunga, ako ay yumayabong, nangunguna, at umuunlad sa lahat ng aking ginagawa
  • Ako ay pinagpala
  • Walang salungat sa akin
  • Walang mamamatay sa aking mga kamay
  • Hindi ako kailanman masasadsad
  • Natural sa akin ang supernatural
  • Lahat ng bagay ay nagtutulungan para sa aking ikabubuti
  • Mas mahal ako ng Diyos kaysa sa galit sa akin ng Diablo
  • Ang biyaya ay kumikilos para sa akin!
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Chosen -  Unveiling the Woman in Christ

Bilang mga babae, madalas nating masusumpungan ang ating sarili na pinagsasabay-sabay ang maraming iba't ibang papel sa buhay. Ngunit sa gitna ng kaabalahang ito, mahalagang tandaan kung sino tayo sa kaibuturan natin: Ang mga Babaeng Pinili ng Diyos, o ang Babae kay Cristo. Ang pagkakakilanlang ito ang pundasyon ng ating buhay, na humuhugis ng ating kaugnayan sa Diyos at sa iba. Samahan kami sa susunod na tatlong araw habang tinutuklas natin nang mas malalim ang pagkakakilanlang ito!

More

Nais naming pasalamatan ang LOGIC Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: https://thelogicchurch.org/en/