Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pinili - Paglalantad sa Babaeng na kay CristoHalimbawa

Chosen -  Unveiling the Woman in Christ

ARAW 2 NG 3

PINILI PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN

"Bago pa likhain ang sanlibutan, [sa Kanyang pagmamahal] pinili na Niya tayo [sa katunayanpinili Niya tayo para sa Kanyang sarili para maging Kanya] upang maging Kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal (inilaan at itinalaga para sa Kanya) at walang kapintasansa harap Niya.". - Mga Taga-Efeso 1:4 (RTPV05)

Hindi ibinabasura ng Diyos ang iyong nakaraan, binabagong-anyo Niya ito!

Si Ruth ay napagod.

Ipinanganak sa isang angkang ginagambala ng mga sumpa at nananamba sa isang diyos na hindi nagpapatawad, naramdaman ni Ruth ang bigat ng kanyang kalagayan na dumadagan sa kanya. Nang nakaranas ang kanyang pamilya ng matinding pasakit pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang asawa, pinili niyang sumunod sa kanyang biyenan, si Naomi, kung kanino siya nakarinig tungkol sa isang mapagpatawad na Diyos.

Ang kuwento ni Ruth, tulad ng maraming mga kababaihan sa Biblia, ay tumuturo patungo sa isang pagtubos na matatagpuan sa kapahayagan ni Jesus. Makabuluhan ang kanilang mga kuwento, hindi dahil sa resulta ng kanilang kabanalan - kundi dahil nagturo ito patungo sa pagbabago na dala ni Jesus sa pamamagitan ng kaligtasan..

Si Rahab din, ay napagod sa kanyang kalagayan, kaya siya'y bumaling sa Diyos ng mga Israelita, at iniwanan ang tila ligtas na seguridad ng kanyang lungsod na napapaligiran ng matitibay na pader. Tulad ng mga kababaihang ito, saanman tayo nagsimula, ang pagbaling sa Diyos ay nagbabago ng kanilang mga kuwento. Hindi niya itinatapon ang ating mga nakaraan bilang basura, kundi hinuhugis Niya ito para maging isang bagay na kahanga-hanga.

Isang dungis sa karangalan na sama-samang pinapasan ng mga kababaihan ay ang salaysay tungkol sa pagkabigo ng tao sa Hardin ng Eden.

Bilang resulta ng pagkalinlang ni Eva, ang babae ay napagtanto na tila mas madaling maloko. Subalit, ang Pagpapala ng Diyos ay nariyan na bago pa man ang paglikha. Sa Genesis 3:15, ang isa sa mga pangako ng kaligtasan ay ibinigay; na ang binhi ng babae ang dudurog sa ulo ng kalaban.

Ito ang pagpapahayag ng kapanganakan ni Jesus. Pinili ng Diyos na tubusin at ibalik tayo, na ipinapakita ang Kanyang pagtitiwala sa atin sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ni Jesus kay Maria.

Kung mapagkakatiwalaan Niya ang babae sa salitang nagkatawang-tao, gaano pa kaya ang nakasulat na salita!

Mahal na Babae, alamin na ikaw ay pinili para sa Kanyang Kaluwalhatian! Yakapin ang iyong pagkakakilanlan sa Kanya habang ikaw ay namumuhay sa araw na ito!

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Chosen -  Unveiling the Woman in Christ

Bilang mga babae, madalas nating masusumpungan ang ating sarili na pinagsasabay-sabay ang maraming iba't ibang papel sa buhay. Ngunit sa gitna ng kaabalahang ito, mahalagang tandaan kung sino tayo sa kaibuturan natin: Ang mga Babaeng Pinili ng Diyos, o ang Babae kay Cristo. Ang pagkakakilanlang ito ang pundasyon ng ating buhay, na humuhugis ng ating kaugnayan sa Diyos at sa iba. Samahan kami sa susunod na tatlong araw habang tinutuklas natin nang mas malalim ang pagkakakilanlang ito!

More

Nais naming pasalamatan ang LOGIC Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: https://thelogicchurch.org/en/