Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pinili - Paglalantad sa Babaeng na kay CristoHalimbawa

Chosen -  Unveiling the Woman in Christ

ARAW 1 NG 3

HINDI LANG ANG NAKAGAWIAN

Para bang isa lang itong panibagong araw para sa kanya, parehong mga lugar, parehong listahan ng mga dapat gawin.

Ang estrangherong ito na hindi pa niya nakikilala ay magbabago ng kanyang buhay magpakailanman - hindi pa niya alam ito.

Ang pagtatagpo sa pagitan ni Jesus at ng babaeng Samaritana ay lubhang nakapagpapabago kaya agad siyang bumalik sa kanyang lungsod, sinabi sa lahat ang tungkol sa Kanya. Iyan ang kapangyarihan ng Ebanghelyo!

Sinisira ng Ebanghelyo ang mga hadlang, tinatanggal ang matagal nang paulit-ulit na kahihiyan at pagkakasala, at pinalalaya ang mananampalataya sa kabuuan ng kanilang pagkakakilanlan. Ang pamumuhanan ng panahon ni Jesus sa isang babaing ito ay nagpasalin-salin sa buong bayan, na nagpapakita ng nakapagpapabagong kapangyarihan ng Ebanghelyo.

Marahil, mayroon siyang mga pag-aalinlangan gaya ng marami sa atin, subalit sa pamamagitan ng Pahayag ni Jesus, natuklasan niya ang tunay na kalikasan ng Ama. Alam ng babaing na kay Cristo na ang Diyos ay Mabuti, anuman ang mga pangyayari sa paligid niya. Hindi niya binabalangkas ang kanyang pang-unawa sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga kalagayan. Hindi siya sumasang-ayon sa kanyang damdamin o mga pamantayan sa relihiyon, alam niya na ang tunay na kalikasan ng Diyos ay nahayag kay Cristo.

Si Maria, ang kapatid nina Lazaro at Marta ay lubos na naunawaan ang katotohanang ito. Ang mga tagapamahala ng kultura at mga pamantayan noong mga panahong iyon ay nagalit nang makita ang isang babae na nakaupo, nakikinig, at nag-aaral sa paanan ni Jesus na parang isang alagad. Sa katunayan, inaasahan ni Marta ang higit pa sa kanya bilang punong abala na tumatanggap ng bisita sa kanilang tahanan. Ngunit, pinili ni Maria ang isang bagay na kailangan nating lahat - si Cristo mismo (Lucas 10:42).

Hindi lang natin kailangan si Cristo para sagutin ang ating mga panalangin. Kailangan natin Siya dahil kung sino tayo ay nagmumula sa Pahayag kung sino Siya. Nakuha natin ang ating pagkakakilanlan bilang mga Anak ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawaing pagtubos sa Krus.

Ang mga Judio at mga Samaritano ay nagkaroon ng matagal na hidwaan na naging dahilan kung bakit sila ay nagsisikap na iwasan ang isa't isa. Sa kabila nito, sinadya ni Jesus na maglakbay sa Samaria sa Juan 4:4. Ang tila isang karaniwang araw ay naging pambihira dahil ang Diyos ay gumagawa sa likod ng mga eksena, na nag-aayos ng isang bagay na maganda. Sa pakikinig sa Ebanghelyo sa pamamagitan ni Jesus, ang babaeng Samaritana ay binago magpakailanman. Ang kanyang tunay na pagkakakilanlan ay inilantad bilang isang anak ng Diyos, pinili at minamahal gaya ng mga Judio noong kanyang kapanahunan. Sa kanyang bagong pagkakakilanlan, nagdala siya ng higit pang mga anak na lalaki at babae sa kaalaman kung sino sila kay Cristo.

Hindi mahalaga kung paano nagsimula ang iyong kuwento

Ikaw ay pinili at itinatag kay Cristo

Tumangging sumabay lang sa nakagawian

Mayroon kang bagong pagkakakilanlan, na may mga bagong posibilidad at isang bagong mana; lahat kay Cristo

Patuloy na lumago sa Biyaya at sa kaalaman sa Panginoong Jesus!

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Chosen -  Unveiling the Woman in Christ

Bilang mga babae, madalas nating masusumpungan ang ating sarili na pinagsasabay-sabay ang maraming iba't ibang papel sa buhay. Ngunit sa gitna ng kaabalahang ito, mahalagang tandaan kung sino tayo sa kaibuturan natin: Ang mga Babaeng Pinili ng Diyos, o ang Babae kay Cristo. Ang pagkakakilanlang ito ang pundasyon ng ating buhay, na humuhugis ng ating kaugnayan sa Diyos at sa iba. Samahan kami sa susunod na tatlong araw habang tinutuklas natin nang mas malalim ang pagkakakilanlang ito!

More

Nais naming pasalamatan ang LOGIC Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: https://thelogicchurch.org/en/