Walang PanghihinayangHalimbawa
Ang Diyos ng Pangalawang Pagkakataon
Walang pinagsisisihan si Ricky Jackson. Siya ang lalaking kinasuhan ng pagpatay kay Harold Franks sa labas ng isang convenience store noong 1975 at di-makatarungang ibinilanggo sa loob ng tatlumpu't siyam na taon. Binigyan si Jackson ng pangalawang pagkakataon sa buhay, at ito ang nararapat lang sa kanya. Maaari na siyang mamuhay bilang isang regular na mamamayan, malayang pumunta saan man niya piliin, kahit kailan niya gusto. Ang kababaang-loob ni Jackson, ang kanyang lakas, at ang kanyang kahandaang magpatawad ay nagpapakita sa tunay na pagkatao niya, at ang buhay ay mas kaaya-aya ngayong nabigyan siya ng pangalawang pagkakataon.
Ang Diyos ang Diyos ng pangalawang pagkakataon. Binigyan Niya ang bawat isa sa atin na nakakilala sa Kanya ng pangalawang pagkakataon. Binigyan niya tayo ng bagong pagkakataon; lahat ng ating mga nakaraang kasalanan ay napawi, ang ating buhay ay naibalik sa pakikisama sa Kanya, at tayo ay nabigyan ng pinakamalaking pangalawang pagkakataon upang mabuhay at mamuhay nang maayos.
Hinihikayat kita na gawin ang mga kinakailangang pagbabago upang mamuhay ng isang buhay na marapat na ipamuhay: suriin ang iyong buhay, tukuyin ang mga bagay na kailangang baguhin, at gawin ang mga pagbabagong iyon. Lumago sa espirituwal na aspeto at matutong lumakad ayon sa Espiritu at sa pananampalataya.
Hinihimok kitang mabuhay para kay Jesu-Cristo ngayon dahil ang bukas ay hindi ipinapangako.
Sadyang Pamumuhay:
- Baguhin ang dapat baguhin, at kalimutan ang hindi na mababago
- Piliin na maging maingat sa layunin at sa panahon ng iyong misyon
- Lumago sa iyong espirituwal na paglakad at matutong manatili sa Diyos
- Maging maagap sa pagsunod sa Panginoon sa lahat ng bagay
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Itong makapangyarihang pang-araw-araw na babasahing ito ay naglalahad ng kahulugan ng pamumuhay nang walang pagsisisi. Magkaroon ng kaginhawaan at matuto kung paano maglingkod at luwalhatiin ang Diyos na para bang ang bawat araw ay huli mo na. Ang debosyonal na ito ay batay sa aklat ni Robin Bertram na No Regrets.
More