Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang PanghihinayangHalimbawa

No Regrets

ARAW 3 NG 5

Ang Pagpapatawad Ay Susi

Bakit mahalaga ang pagpapatawad? Una sa lahat, ikaw at ako ay napatawad na. Sinabi ng Diyos sa Kanyang Salita na aalisin Niya sa atin ang ating mga pagsalangsang gaya ng layo ng silangan sa kanluran. Isipin ang isang tuwid na linya na nagpapatuloy nang walang hanggan. Sinasabi ng Diyos na inaalis Niya ang ating mga paglabag hangga't ang linyang iyon ay maaaring maglakbay sa kawalang-hanggan. Napakadakila ng Kanyang pag-ibig! Kapag tinanggap natin si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, ang ating mga kasalanan ay nawala na, napawi na magpakailanman, at nakalimutan na sa isip ng Diyos.

Ang kasalanan ay mabigat at may bisa. Ito ay nagbubunga ng kamatayan, at walang mabuting nanggagaling dito. Alam natin na ang kasalanan ay kasiya-siya para sa isang panahon, ngunit ito ay palaging may kapalit. Ang kagandahan ng ebanghelyo ay na sa isang simple, taos-pusong pag-amin ay napapawi ang kaparusahan para sa kasalanang iyon. Anong halaga ang kailangang bayaran ng Diyos para sa parusa ng iyong kasalanan at ng kasalanan ko? Alam natin na ang kabayaran ay si Jesucristo, ang Kanyang bugtong na Anak, na namatay sa krus. Ang kasalanan ay may malaking halaga.

Ang pagpapatawad ay nagpapalaya. Binubuksan ng pagpapatawad ang mga tanikalang bumibihag sa iyo sa impluwensya ng iba. Ang pagpapatawad ang nagiging daan kung saan pinapayagan ng Diyos ang pagpapagaling at kagalakan na dumating sa iyong panloob na katauhan. Malaya ka na, kaya maging maagap sa pagpapatawad.

Sadyang Pamumuhay:

  • Ang pagpapatawad ay isang pagpili at desisyon ng iyong kalooban, kaya't piliing magpatawad
  • Tayo'y dinadalisay at nahuhugasan habang pinapatawad natin ang mga nagkasala sa atin; kung gayon, magpasiyang mamuhay araw-araw nang may mapagpatawad na espiritu kapag may mga pagkakasalang dumadating
  • Ang Diyos ay nagpapatawad at lumilimot, at dapat tayo rin; gawin ito sa pamamagitan ng pagbihag ng mga kaisipang iyon at pagpapalit sa mga ito ng magagandang kaisipan
  • Masiyahan sa iyong kasalukuyan nang lubos sa pamamagitan ng pagpapatawad sa mga tao mula sa iyong nakaraan; piliing pakawalan ang mga negatibong emosyon sa pamamagitan ng paglalagay nito sa paanan ng krus

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

No Regrets

Itong makapangyarihang pang-araw-araw na babasahing ito ay naglalahad ng kahulugan ng pamumuhay nang walang pagsisisi. Magkaroon ng kaginhawaan at matuto kung paano maglingkod at luwalhatiin ang Diyos na para bang ang bawat araw ay huli mo na. Ang debosyonal na ito ay batay sa aklat ni Robin Bertram na No Regrets.

More

Nais naming pasalamatan ang Charisma House sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://bit.ly/noregretskindle