Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang PanghihinayangHalimbawa

No Regrets

ARAW 1 NG 5

Radikal na Pagbabago sa Buhay

Ang buhay na ito ay isang paglalakbay, at ito ay isa ng paglalakbay na maaaring agawin mula mismo sa ating mga kamay. Nang akala ko'y matatapos na ang buhay ko, naalala kong nag-isip ako, “Napakaraming bagay na gusto kong gawin para sa Panginoon, at hindi ko pa natapos ang aking gawain.” Nais kong itanong sa iyo: Kung ang iyong buhay ay biglang matapos, ano ang iisipin mo? Ano ang gusto mong gawin? Maniwala ka sa akin, magbabago ang iyong paningin kapag nahaharap sa posibilidad na wala ka rito. Gugustuhin mong tapusin ang mga bagay. Nanaisin mong ayusin ang mga bagay na naantala dahil sa mga hadlang sa oras o dahil lang sa kakulangan ng tamang mga priyoridad. Ano ang iyong priyoridad? Kung hindi ka ligtas, ang iyong priyoridad ay dapat na kaligtasan.

Dapat din nating isipin ang lahat ng mga taong kilala natin na tumatangging maglingkod sa Diyos at kung gaano kahungkag ang kanilang buhay. Maaaring sa panlabas na anyo ay maayos sila, ngunit sa loob sila ay patay. Kung ikaw ay naligtas na, ang iyong priyoridad dapat ay ang tulungan ang ibang tao na maligtas sa pamamagitan ng pagbabahagi sa kanila ng iyong personal na kuwento at ang mensahe ng ebanghelyo: ang kamatayan, paglilibing, at pagkabuhay na mag-uli ni Jesucristo.

Sadyang Pamumuhay:

  • Ang kaligtasan ang unang hakbang sa pamumuhay nang walang pagsisisi.
  • Ibahagi ang iyong talambuhay; maaari nitong buksan ang mga puso upang tanggapin ang katotohanan
  • Ibahagi ang iyong pananampalataya sa tuwing magagawa mo; ang mga gantimpala ay pang-walang hanggan
  • Ang isang tunay na pakikipagtagpo sa Diyos ay palaging magreresulta sa isang pagbabagong buhay

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

No Regrets

Itong makapangyarihang pang-araw-araw na babasahing ito ay naglalahad ng kahulugan ng pamumuhay nang walang pagsisisi. Magkaroon ng kaginhawaan at matuto kung paano maglingkod at luwalhatiin ang Diyos na para bang ang bawat araw ay huli mo na. Ang debosyonal na ito ay batay sa aklat ni Robin Bertram na No Regrets.

More

Nais naming pasalamatan ang Charisma House sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://bit.ly/noregretskindle