May Pakialam ba ang Diyos sa DiskriminasyonHalimbawa
IPINATAWAG NG DIYOS!
Walang maraming tauhan sa biblikal na kasaysayan na tulad ng sa kuwento ni Ester. Siya ay itinuturing na kabilang sa mababang uri ng lipunan noong kapanahunan niya sa higit sa isang aspeto. Siya ay isang ulila, isang Judio at isang babae. Mababa ang tingin noon sa mga Judio sa Babilonia at sila ay mga bikitima ng diskriminasyon at patuloy na panunuya.
Ang mga babae sa panahon ni Ester ay biktima ng hindi patas at mapang-aping mga pamantayang naghubad ng kanilang dignidad at kalayaan sa pagpili. Ang mga tagapayo ng hari ay nagkumbinsi sa kanyang magpakailanmang pagbawalan si Reyna Vasti na humarap sa kanya upang turuan ang mga babae sa kanyang kapanahunan ng aral tungkol sa pagsunod. Ang problema ni Ester ay hindi naiba. Bagamat naging reyna siya, hindi siya maaaring pumasok sa harapan ng hari nang hindi ipinatatawag.
Si Ester ay pumasok sa palasyo ni Xerxes sa ilalim ng direksiyon ng kanyang pinsan na si Mordecai na nagkupkop sa kanya na parang anak. Ang kaugalian noong panahong iyon ay nagpanukalang ang magagandang babaeng katulad ni Ester ay kailangang magpalipas ng isang gabi kasama ng hari upang ang Hari ay makapamili ng susunod na reyna. Walang katiyakang si Ester ay muling ipatatawag. Sa panlabas ay maaaring engrandeng pakinggan ang isang mababa ang katayuang katulad ni Ester ay sa kalauna'y naging reyna. Subalit siya ay biktima ng diskriminasyon sa iba't ibang aspeto.
Ang Diyos ba ay mayroong plano sa ating buhay, kahit na tayo ay biktima ng ating sitwasyon o ng mga mapang-aping pamantayan sa lipunan? Oo, mayroon. Ang biyaya ng Diyos ay na kay Ester sa kabila ng kanyang kalagayan. Tinanaw siya ng Diyos na higit sa isa lamang mahirap na batang babaeng ulilang Judio na nakadepende sa hari ng Babilonia upang mabuhay. Sa Diyos, siya ay isang sisidlang karapat-dapat ng karangalan. Inisip Niya na siya ay karapat-dapat na pagkatiwalaan ng tungkuling iligtas ang kanyang bayan. Ang kanyang pisikal na kagandahan at ang engrandeng buhay sa palasyo ay hindi maihahambing sa lakas ng loob, tapang at dangal na ibinihis Niya sa kanya. Ang isang walang halaga ay binigyang pansin ng Diyos.
Ang kanyang buhay ay nagpapalakas ng loob nating maaaring nakadarama ng kawalang direksiyon, kawalang halaga at kahinaan. Maaaring limitado ang ating pagpipilian. Ang ating mga tinig ay maaaring hindi marinig ng iba. Pakiramdam natin hindi tayo nauunawaan at lugmok. Subalit ang Diyos ay di nalilimitahan ng mga bagay na ito. Tinatanaw Niya tayong Kanyang piniling kayamanan anupaman ang ating kalagayan. Kung ilalagak natin ang ating buhay sa Kanya, walang mapang-aping pamantayan sa lipunan at walang gawaing may-diskriminasyong makalilimita sa ating maabot ang rurok na itinakda ng Diyos para sa atin.
Ito ay parang kuwento ng batang lalaking nagtataka kung bakit ang kanyang lobo ay hindi lumilipad sintaas ng mga lobong helium na nakita niya sa perya. Inakala niyang ang kulay ng kanyang lobo ang pumipigil ditong lumipad nang ganoon kataas. Subalit isang matalinong tao ang nagsabi sa kanya na hindi ang nakikita mo sa labas kundi ang nasa loob ang magtatalaga kung gaano kataas lilipad ang lobo. Gayundin, hindi ang kinakaharap natin mula sa labas ang magtatalaga ng ating halaga kundi kung ano ang inilagay ng Diyos sa bawat isa sa atin. Ang Kanyang kapangyarihan mismo ang siyang gumagawa sa atin sa loob upang maganap ang Kanyang layunin sa atin at sa pamamagitan natin.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang gabay na ito ay umaasa na maitampok ang puso ng Diyos para sa mga inaapi, mahihirap, mga biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon. Ang pag-aaral ay umaasang hamunin ang mga tao na tigilan ang pagbibigay ng karangalan sa diskriminasyon at kilalanin ang mga ugali at gawi na mapagpahirap at mag-ambag upang panumbalikin sa mga tao ang dangal na kaloob ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan ang Power House Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://powerhousechurch.org