Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

May Pakialam ba ang Diyos sa DiskriminasyonHalimbawa

Does God Care About Discrimination

ARAW 1 NG 3

ANG BIYUDA SA PEDESTAL

Hindi tayo mahihirapang masumpungan kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan patungkol sa puso ng Diyos para sa mga nakararanas ng diskriminasyon. Ito ang pangunahing nakaaakit sa akin sa Diyos ng Biblia. Ang isa sa mga emosyong naranasan ng mga dumaan sa anumang uri ng pang-aabuso o diskriminasyon ay ang matinding pakiramdam ng kawalan ng pagpapahalaga sa sarili. Ito ay kadalasang bumabalda sa kanilang magpatuloy sa buhay. Ang malubhang depresyon ay nagsisimula kapag ang mga tao ay kumakaharap sa pagtanggi dahil sa mga kadahilanang hindi nila kayang tukuyin o harapin. Ang makaranas ng diskriminasyon ay isang nakamamatay na sakit sa karamihang mga lipunan sa mundo at nagdudulot sa labis na napakaraming tao ng damdaming walang nagmamahal o nagmamalasakit sa kanila.

Bilang bayan ng Diyos kinakailangang maging maingat tayong huwag tapakan ang mga sugat ng mga taong hinubaran ng dignidad na ibinigay ng Diyos at bagkus ay maging bukas sa pagmamalasakit at pag-aaruga sa kanilang mga sugat at pagpapakita sa kanila ng kanilang tunay na halaga. Nakatataba ng pusong basahin sa Banal na Kasulatan at makita kung paanong nagmalasakit ang Diyos sa mga hamak, maliliit at mabababa ang antas sa lipunan. Noong araw na iyon sa templo, napansin ni Jesus ang mahirap na biyuda na ibinigay ang lahat na mayroon siya. Heto ang isang babaeng mahirap, na walang inaasahan sa buhay. Sa kultura na mababa ang tingin sa kababaihan maaaring siya ay pinagkaitan ng lahat ng mga karapatang pantao para sa dignidad at kapakanang labis nating nakasanayan ngayon. Sa ibang mga tao nang araw na iyon, ang biyudang ito ay wala lang. Siya ay walang halaga, di-nararapat, at hindi importante. Ngunit kay Jesus, siya ay katangi-tangi hindi lang dahil ibinigay niya ang lahat ng mayroon siya kundi dahil pinili Niya na makita siya na kung sino talaga siya – isang sisidlan na kaparat-dapat parangalan, isang mahalagang nilalang ng Diyos na hindi pinapansin at pinagmalasakitan. Itinaas siya ni Jesus nang araw na iyon at inilagay sa pedestal.

Sa katunayan, ang lahat ng ginawa ni Jesus habang nasa mundo ay nagtatampok ng kahabagan at pag-ibig ng Diyos para sa mga inaabuso at pinagmamalabisan. Siya ay galit na galit nang makita ang templong gawin ng mga mangangalakal na lugar kung saan ang mga mahihirap at dayuhan ay sinasamantala. Literal at matalinghagang ipinagtataob ni Jesus ang mga mesa ng mga taong nagtangkang hubaran ang mga tao ng dignidad na ibinigay ng Diyos. Ginamit Niya ang bawat pagkakataon na ibalik sa mga tao ang kanilang tamang katayuan sa Diyos, yaong may likas na halaga at kabuluhan. Nawa ay tulungan tayong lahat ng Diyos na makita ang mga taong nakapalibot sa atin ayon sa Kaniyang paningin. Nawa ay linisin tayo ng Kanyang salita araw-araw upang alisin yaong mga malalaking troso ng mga saloobing may-diskriminasyon at may-kinikilingang dala-dala natin sa ating mga puso. Nawa'y tulungan tayo ng Diyos na maging panlunas na nagpapagaling sa mundo na palaging pinipilit na ipangatwiran at ituring na katanggap-tanggap ang mga gawain at paniniwalang may-diskriminasyon.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Does God Care About Discrimination

Ang gabay na ito ay umaasa na maitampok ang puso ng Diyos para sa mga inaapi, mahihirap, mga biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon. Ang pag-aaral ay umaasang hamunin ang mga tao na tigilan ang pagbibigay ng karangalan sa diskriminasyon at kilalanin ang mga ugali at gawi na mapagpahirap at mag-ambag upang panumbalikin sa mga tao ang dangal na kaloob ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Power House Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://powerhousechurch.org