May Pakialam ba ang Diyos sa DiskriminasyonHalimbawa

ANG DIYOS BA AY NAGTATANGI?
Madaling malinlang at akalaing ang Diyos ng Lumang Tipan ay iba sa Cristo ng Bagong Tipan. Kinunsinti ba ng Diyos ang mga gawaing may pagtatangi at pang-aabuso sa Lumang Tipan? Hindi kailanman.
Ang aklat ng Levitico ay naglatag ng mga alituntunin ng Banal na Pamumuhay para sa mga Judio. Sa unang sulyap tila ang Diyos mismo ay nagtangi sa pagsasabi ng Kanyang pagpili sa mga lalaki, lahat ng malilinis at walang kapintasan. Ang dapat nating maunawaan dito ay ang pagsisikap ng Diyos na italaga ang pagkaunawa ng kung sino Siya sa mga puso at isipan ng mga taong ito. Ang kanilang mga sakripisyo ay kinailangang maging 'perpekto' at walang kapintasan sapagkat ang Diyos ay Banal at Siya ay perpekto. Ang kanilang mga sakripisyo ay kinailangang paglaanan nila ng bagay na may pinakamataas na halaga sa kanila.
Subalit ang puso ng Diyos sa mga hamak, sa mga di-perpekto, mahihina, sa mga mabababa ang katayuan ay ipinakita rin sa buong Lumang Tipan. Nakikita natin ang Diyos na nagpaparangal sa mga babae at lalaking may kapansanan at hindi banal. Marahil si Moises ay inapi-api dahil sa kanyang pagkautal. Sinabihan ng Diyos si Samuel patungkol kay Eliab na huwag tumingin sa kanyang pisikal na perpektong tindig at isiping siya na nga ang pinili ng Diyos upang maging hari. Ang palaging hinahangad ng Diyos ay mga pusong lubos na tapat sa Kanya. Naalala Niya ang batang si David na hindi sentro ng atensiyon at bagkus ay nag-aalaga ng mga tupa sa dakong walang nakakakita sa kanya.
Sa madaling salita, ang Banal na Diyos na ito ay umaasa na ang Kanyang bayan ay maging banal subalit kinikilala ang kanilang kawalang-kakayahang maging banal sa kanilang sarili. Ang kautusan sa Lumang Tipan ay anyo lamang ng mga bagay na darating. Ang tanging diskriminasyong biblikal na pinapayagan ay sa pagitan ng kung ano ang banal at ang hindi. Dapat din nating tandaan na namumuhi ang Diyos sa kasalanan subalit nagmamahal sa makasalanan. Namumuhi Siya sa mga maling gawa subalit nagmamahal sa mga tao. Sa Kanya, lahat tayo ay mahalaga sapagkat tayo ay nilikha sa Kanyang larawan – mayaman o mahirap, lalaki o babae, Judio o Griego, alipin o malaya. Anuman ang ating mga karanasan sa buhay o ating katayuan sa lipunan, nakikita tayo ng Diyos bilang Kanyang mga anak.
Ngayon, napakaraming diskriminasyon at may-pagtatanging pagtrato ang nakikita natin kahit sa loob ng katawan ni Cristo. Ang pagtatangi base sa katayuan sa lipunan, pagtatangi base sa lahi, pagtatangi base sa kulay ng balat, at pagpabor sa mayayaman ay tiyak na kasuklam-suklam sa Panginoon. Walang dudang hangad ng Panginoon na ang Kanyang iglesya ay maging banal sa kung papaanong Siya ay Banal. Subalit ang kabanalan na Kanyang inaasahan ay higit sa seremonyal at ritwal na kabanalan ng mga panlabas na gawain. Ang ating katuwiran ay dapat lampasan ang sa mga tagapagturo ng Kautusan. Dapat matutunan nating tanawin ang mga tao tulad nang pagtanaw sa kanila ng Diyos. Dapat matutunan nating tratuhin ang mga tao sa kaparaanang nais ng Diyos na tratuhin natin sila.
Hinawakan ni Jesus ang taong may ketong. Siya ay nakitulad sa mahihirap. Kumain Siyang kasama ang mga makasalanan at maniningil ng buwis. Pinahintulutan Niya ang makasalanang babae na punasan ang Kanyang mga paa ng kanyang buhok. Nagpagaling si Jesus hindi lamang ng mga pisikal na karamdaman. Nagpagaling Siya ng mga wasak na puso - mga puso na nagiba dahil sa mga masasakit na salita, pang-aabusong pisikal at panlipunang pangmamaliit.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang gabay na ito ay umaasa na maitampok ang puso ng Diyos para sa mga inaapi, mahihirap, mga biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon. Ang pag-aaral ay umaasang hamunin ang mga tao na tigilan ang pagbibigay ng karangalan sa diskriminasyon at kilalanin ang mga ugali at gawi na mapagpahirap at mag-ambag upang panumbalikin sa mga tao ang dangal na kaloob ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan ang Power House Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://powerhousechurch.org