Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Limang Mga Panalangin ng PagpapakumbabaHalimbawa

5 Prayers of Humility

ARAW 5 NG 5

Ikalimang Panalangin: “Panginoon, Bigyan Mo Ako ng Isang Pusong Nagpapakumba't Nagsisisi.”

Ang Mga Awit 51 ang aking paboritong Awit na babasahin kung alam kong ako'y nagkasala laban sa Diyos.

Syempre, hindi ko kailanman nais na magkasala. Gayunman, gaya ng karamihan sa atin, kung minsan ay nagkakasala pa rin ako. At yamang lagi kong hinihiling sa Diyos na panatilihin akong malapit, ang Kanyang paghatol ay agad na sumasagawa kapag ako'y nagkasala laban sa Kanya.

Kapag ako'y nagkasala, kung minsan ay mayroon akong tunay na puso na nagsisisi sa simula pa lamang.

Sa gayong mga kaso, ako'y nagsisisi kaagad at nakikipagkasundo sa Diyos. Iyon ang mga madaling araw, sapagkat pinatawad Niya tayo sa sandaling ipinahayag natin ang ating mga kasalanan. (Tingnan ang 1 Juan 1:9.)

Gayunman, sa ibang araw, kailangan ko ang Panginoon upang baguhin ang aking puso. Baka galit na galit ako sa isang bagay kaya hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. At sa mga sandaling iyon, hinihiling ko sa Panginoon na baguhin ang aking puso at gumawa sa akin ng tunay na pagsisisi sa aking kasalanan.

Ang bawat isa sa atin ay kailangang manalangin para sa isang mapagpakumbaba at nagsisising puso araw-araw.

Ang pagkakaroon ng pusong mapagpakumbaba at nagsisisi ay nangangahulugan lamang na ang iyong puso ay patuloy na nagiging malumanay sa Diyos. Hindi ito nangangahulugan na ika'y uupo at malulumbay, "na namamatay dahil sa isang mapagpakumbabang puso".

Sa halip, nangangahulugan ito na ikaw ay maaabot at mananatiling nasa isang patuloy na kalagayan ng pagmamahal kay Jesus. At sa lugar na iyon ng pagmamahal sa ating Tagapagligtas, palagi mong kikilalanin ang iyong pag-asa sa Kanya. Ang paglambot na iyon ng puso kay Jesus ay nagbubunga ng isang matalik na kaugnayan sa Kanya na magdudulot sa iyo ng di-mailalahad na kagalakan at kaluwalhatian.

Kaya't ipanalangin mo ito ngayon:

"Panginoon, bigyan Mo ako ng isang pusong mapagpakumbaba at nagsisisi na hindi Mo tatanggihan!"

Ipanalangin mo ang panalangin na iyon araw-araw, at patuloy na hanapin ang Panginoon habang ikaw ay nananalangin nito. Siya lamang ang may kakayahang baguhin ang iyong puso at tunay na gawing mapagpakumbaba ka sa harap Niya. Ngunit habang kasama ka Niya sa iyong paglalakbay patungo sa kapakumbabaan, gagantimpalaan ka Niya nang malaki at ang Kanyang biyaya ay makapangyarihang mahahayag sa iyong buhay.

Nakatulong ba sa iyo ang Gabay sa Biblia na ito? Kung nais mo ng karagdagang mga kagamitan at mga mapagkukunan, tingnan ang aming librarya ng mga libreng gabay sa panalangin dito sa FromHisPresence.com!

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

5 Prayers of Humility

Kailangan mo ba ng higit pang biyaya, pabor, at pagpapala ng Diyos? Kung gayon ay ipanalangin mo ang limang simpleng panalangin ng kapakumbabaan, na humihingi sa Panginoon ng pabor at tulong para sa iyo. Sasagutin Niya ang iyong panalangin; Siya ay nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba! At kung ibababa mo ang iyong sarili sa harap ng Panginoon, itataas ka Niya.

More

Nais naming pasalamatan ang From His Presence Inc. sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.fromhispresence.com