Limang Mga Panalangin ng PagpapakumbabaHalimbawa
Pangalawang Panalangin: “Disiplinahin Mo ako sa paraang ninanais Mo.”
Kung minsan ay mahirap para sa ating laman na maunawaan ito, subalit itinuturo sa atin ng Biblia na ang pagwawasto ng Diyos ay isang tanda ng Kanyang pag-ibig. Hindi tayo itinutuwid ng Diyos dahil sa poot o sa masamang espiritu. Wala sa kahit ano dito ang nararamdaman Niya para sa atin! Siya ay isang mabait, maawain, at maibiging Ama na may kaalaman na kailangan natin ng disiplina upang lumago, at upang maging mas katulad ni Jesus.
Itinutuwid tayo ng Diyos dahil mahal Niya tayo.
Samakatuwid, yamang ang Kanyang kamay ng disiplina ay isang tanda ng pag-ibig, hindi ba't dapat tayong nagnanais sa Kanyang disiplina? Hindi ba't dapat nating hanapin ang Kanyang tungkod ng pastol sa ating kanan at sa ating kaliwa, ang pagpapakita sa atin ng tamang landas para sa ating mga paa?
Kaibigan, ayaw mo bang maramdaman ang banayad na paghatak ng gabay na kamay ng ating Panginoon na nagtuturo sa iyo sa daan na ibig Niyang lakaran mo? Basahin ang Mga Awit 32:8 upang makita kung ano ang ipinangako Niya sa atin.
Siyempre, dapat.
Kaibigan, kung nais mong maging tunay na mapagpakumbaba sa harap ng Panginoon, magpatuloy at hilingin sa Kanya ang Kanyang disiplina.
Ayos lang na maging maagap tungkol dito. Ito ay isang mabuting bagay na hilingin sa Panginoon, "Pakiusap, Jesus, disiplinahin mo ako sa paraang ninanais Mo."
Ang Kanyang disiplina ay magpapahusay lamang sa atin. Karagdagan pa, ang ating buhay ay magiging mas madali kung tayo'y mauna nang humihingi ng Kanyang pagwawasto at disiplina, sa halip na gawin ang ating sariling paraan at makatanggap ng di-inaasahang (o di-kanais-nais) mga kahihinatnan dahil sa paggawa ng maling mga pasiya.
Kaibigan, mayroon tayong mapagmahal na Ama na handang ituwid at gabayan tayo kapag tayo'y mali, o kapag tayo'y nanganganib na lumakad sa isang mapanganib na landas. Hindi mo ba hihilingin sa Kanya na ituwid ka sa araw na ito sa anumang paraan na kailangan Niya, upang maaari kang manatili sa Kanyang tuwid at makitid na landas?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kailangan mo ba ng higit pang biyaya, pabor, at pagpapala ng Diyos? Kung gayon ay ipanalangin mo ang limang simpleng panalangin ng kapakumbabaan, na humihingi sa Panginoon ng pabor at tulong para sa iyo. Sasagutin Niya ang iyong panalangin; Siya ay nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba! At kung ibababa mo ang iyong sarili sa harap ng Panginoon, itataas ka Niya.
More