Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Limang Mga Panalangin ng PagpapakumbabaHalimbawa

5 Prayers of Humility

ARAW 1 NG 5

Unang Panalangin: "Panginoon, Gawin Mo akong Mapagpakumbaba."

Ang pagpapakumbaba sa harap ng Diyos ay napakahalaga; ang simpleng panalangin na "Panginoon, gawin Mo akong mapagpakumbaba!" ay maaaring magbago sa iyong buhay.

Subalit, gaya ng anumang bagay, hindi tayo maaaring maging mapagpakumbaba nang walang tulong ng Diyos! Wala tayong magagawa kung wala ang Kanyang tulong. Tandaan ang sinabi ni Jesus sa Juan 15:5:Kung wala Siya ay wala tayong magagawa!

Bakit tayo dapat humiling sa Diyos na gawin tayong mapagpakumbaba?

Sinasabi sa atin ng 1 Pedro 5:5-6 na ang Diyos ay sumasalungat sa mga mapagmataas, ngunit nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba. Ipinakikita rin sa atin ng Salita ng Diyos na si Jesus ay mapagpakumbaba; at, siyempre, dapat nating tularan si Jesus.

Sa paglalakbay patungo sa kapakumbabaan, ang ating bahagi ay ang isuko ang ating sarili kay Jesus nang bago at sariwa araw-araw. Habang ginagawa natin ito, na nakatuon sa pananatili kay Cristo bawat sandali, gagawin Niya ang Kanyang bahagi - na baguhin ang ating mga puso at iakma tayo sa Kanyang imahe. Ang Diyos lamang ang may kapangyarihan na baguhin ang ating mga puso.

Bibigyan ka ng Diyos ng malinis na mga kamay at isang malinis na puso kung hihilingin mo sa Kanya na gawin ito.

Halos araw-araw kong hinihiling ito sa Kanya. (Gusto ko sana na hilingin ko ito araw-araw, ngunit kung minsan ay nakalilimutan ko). Ngunit sa tuwing hinihiling ko sa Kanya na ako'y maging mapagpakumbaba, nararamdaman ko na inilalapit Niya ako nang kaunti sa Kanyang sarili.

Gayon din ang gagawin Niya sa iyo. Kung hihilingin mo sa Panginoon araw-araw na gawin kang mapagpakumbaba, babaguhin ka Niya at tutulungan kang lumakad sa harap Niya sa kabanalan at pagiging matalik sa Kanya.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

5 Prayers of Humility

Kailangan mo ba ng higit pang biyaya, pabor, at pagpapala ng Diyos? Kung gayon ay ipanalangin mo ang limang simpleng panalangin ng kapakumbabaan, na humihingi sa Panginoon ng pabor at tulong para sa iyo. Sasagutin Niya ang iyong panalangin; Siya ay nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba! At kung ibababa mo ang iyong sarili sa harap ng Panginoon, itataas ka Niya.

More

Nais naming pasalamatan ang From His Presence Inc. sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.fromhispresence.com