Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-unawa sa Kalooban ng DiyosHalimbawa

Understanding God's Will

ARAW 1 NG 3

Nagkaroon na ba ng pagkakataon kung saan ikaw ay nalilito tungkol sa kung ano ang kalooban ng Diyos para sa iyong buhay? Marahil nais mong malaman kung nais ng Diyos na kumuha ka ng isang tiyak na trabaho, pumasok sa isang tiyak na kolehiyo, o kung dapat kang lumipat sa ibang lungsod o hindi.

At sa napakaraming mga pagpipilian sa harap mo, gusto mo lang malaman kung alin ang pinakamagandang landas na piliin. Bumabaling ka sa Diyos at umaasa na tuturuan ka Niya na gumawa ng tamang pagpili at ipahayag ang Kanyang kalooban.

Naranasan na nating lahat ito. Lahat tayo ay nagnanais na malaman kung ano ang gusto ng Diyos sa atin at lahat tayo ay nagnanais na gumawa ng tamang pagpili - ang pinakamahusay na pagpili.

Kaya't hiniling natin sa Diyos ang Kanyang kalooban at hinintay natin ang Kanyang pagtugon at bigyan tayo ng isang tanda.

Marahil ay umasa pa rin tayo na ibibigay Niya sa atin ang isang mensahe sa mga ulap saMALALAKING MGA TITIK. Malamang na hindi ito mangyayari.

Gayunman, ang kalooban ng Diyos para sa ating buhay ay malinaw. Ito'y nakasulat sa Kanyang Salita - maraming beses.

"At magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus." - 1 Mga Taga-Tesalonica 5:18
"Kalooban ng Diyos na kayo'y magpakabanal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan...." - 1 Mga Taga-Tesalonica 4:3
"Nais ng Diyos na sa pamamagitan ng inyong wastong pamumuhay ay mapatigil ninyo ang mga hangal sa kanilang kamangmangan." - 1 Pedro 2:15
"Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos." - Mikas 6:8
"Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya. " - Mga Taga-Roma 12:2

Nakakatulong ba sa iyo ngayon ang lahat ng talatang ito?

Maaari. Maaaring hindi.

Ang mga talatang ito ay tila pangkalahatan tungkol sa kung paano tayo dapat mamuhay, at baka mayroon kang partikular na problema.

Nais mong malaman kung ano ang kalooban ng Diyos upang makagawa ng pinakamainam na desisyon sa iyong partikular na kalagayan.

Bueno, unahin muna natin ang dapat unahin.

Ang Diyos ay higit na nag-aalala sa ating pangmatagalang katangian kaysa sa ating panandaliang kaligayahan, at iyan ay isang mabuting bagay!

Sapagkat ang lahat ng bagay sa buhay na ito ay mawawala maliban sa kung paano tayo katulad ni Cristo.

Ngayon kung iyan ay nakakagambala sa iyo at kung mas gugustuhin mong makakuha ng mga sagot sa kung anong pagpipilian ang kailangan mong gawin upang malaman kung ano ang kalooban ng Diyos para sa iyong buhay, sana ay basahin mo ito, na may kaalaman na isinulat namin ito dahil sa aming pagmamahal sa iyo -

Hindi ba iyon ang problema?

Hindi ba ang problema ay mas gusto nating makakuha ng mabilis na mga sagot kaysa maging kung sino ang nais ng Diyos na maging tayo?

Sinabi mismo ni Jesus, "Hanapin muna ang kaharian ng Diyos at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo".

Ang lahat ng mga bagay na ito - ang lahat ng mga sagot sa mga katanungan na mayroon tayo tungkol sa mga pagpipilian na kailangan nating gawin, o tungkol sa kung ano ang kalooban ng Diyos, at ang mga bagay na ito na pinagkakaabalahan natin - ay idaragdag sa atin sa Kanyang panahon.

Ang panalangin ay, "Dumating ang Kanyang kaharian at mangyari ang Kanyang kalooban."

Hindi "dumating ang aking kaharian, o magawa ang aking kalooban".

Ang Kanyang kalooban para sa atin ay maging higit na katulad Niya, at talagang walang mas mabuti kaysa dito. Maaari tayong magtiwala sa Kanya sa bagay na iyon, at maaari tayong magtiwala na aalagaan Niya ang iba pa.

Ngayon marahil ay hinahanap mo na ang sagot sa kung ano ang tiyak na kalooban ng Diyos para sa iyong buhay, at huwag kang mag-alala - pag-uusapan natin iyon bukas.

Subalit sa ngayon, alamin lamang ito - na iniibig ka ng Diyos at iyan ay isang mahalagang katotohanan. Sapagkat kung iniibig ka ng Diyos, talagang ibig Niya ang pinakamabuti para sa iyo. At gusto Niya na ikaw ay maging ang pinakamahusay - hindi lamang ang pinakamahusay na maaari mong maging, kundi ang pinakamahusay na ginawa Niya sa iyo na maging.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Understanding God's Will

Naranasan mo na bang magkaroon ng kalituhan tungkol sa kung ano ang kalooban ng Diyos sa isang partikular na sitwasyon? Ang 3-araw na plano na ito ay nagsasaliksik kung paano natin malalaman ang Kanyang kalooban, ang Kanyang pangkalahatang kalooban at ang Kanyang partikular na kalooban para sa ating buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Awe & Wonder sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://aweandwonder.in/