Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nagningas: Isang Simpleng Gabay para sa Matapang na PanalanginHalimbawa

Ignited: A Simple Guide for Bold Prayer

ARAW 3 NG 6

Panalangin ang Nagpapaalab ng Ating Pananampalataya

p>Kapag nakikita natin ang malalaking pangangailangan at pagkakataon sa mundo, nakakatukso na magtago o isipin na kailangan nating magmadali upang lutasin ang mga ito. Ngunit nais natin na tumugon sa pamamagitan ng pagsunod at pananampalataya at gawin kung ano ang sinabi sa atin ni Jesus kapag naharap sa mga hamon ng "malaking ani na may kaunting manggagawa”, at iyon ay manalangin muna. Nananalangin tayo nang may katapangan at pagtitiyaga na ang Panginoon ng Aanihin ay gagawin ang Kanyang ipinangako: Na magpadala ng mga manggagawa. Na magtulaksa atin.

Ang panalangin ay nagpapakawala ng Kanyang kapangyarihan, presensya, at probisyon sa ating buhay.

Nakakagulat na maaari pa nga nating sabihin ang mga salitang, “Ama Namin,” na makikita natin sa Mateo 6:9. Ang Diyos ay banal at kamangha-mangha sa bawat kaparaanan, subalit Siya rin ay ating Ama, na hindi lamang nag-aanyaya sa atin na makipag-usap sa Kanya kundi lumapit din sa Kanyang trono ng biyaya (Mga Hebreo 4:16). Lubos tayong minamahal ng Diyos nang walang hanggang pag-ibig — kaya ibinigay Niya ang Kanyang Anak para sa atin (Juan 3:16).

Kapag tayo ay nanalangin sa Diyos sa pangalan ni Jesus, hindi tayo nananalangin sa isang hindi personal o hindi interesadong kosmikong kapangyarihan. Alam Niya ang bilang ng buhok sa iyong ulo. Alam Niya ang iyong kapalaran bago ka unang huminga. Pinili ka Niya at sinang-ayunan ka Niya. Ganyan ka Niya kamahal, at ito ang dahilan kung bakit taimtim Siyang nakikinig kapag nananalangin ka!

Habang tayo ay nagtatalaga na manalangin para sa isang malaking ani ng Kaharian, binabanggit ang mga pangangailangan ng mundo pati na rin ang atin, pinag-aalab ng Diyos ang ating sariling pananampalataya. Ang Kanyang Espiritu ay gumagawa sa atin, sa pamamagitan natin, at patungo sa atin habang tayo ay nananalangin, nagpapaalala sa atin na tayo ay higit pa sa masunuring mga nagsusumamo sa Kanya, tayo na mga minamahal na katuwang sa Kanya.

Panalangin:

Ama, salamat dahil mahal Mo ako at nakikinig kapag ako ay nananalangin. Salamat sa pagtugon na kalakip ang ganap na kapangyarihan, pagtatakda, at kabutihan. Ibinibigay ko sa Iyo ang mga pangalan ng pamilya at komunidad ko na hindi nakakakilala sa Iyo at hinihiling na magpadala Ka ng mga tao sa kanilang buhay upang ipahayag si Jesus sa kanila. At dalangin ko na magbibigay Ka sa akin ng karunungan at katapangan saan Mo man ako tinatawag upang manalangin o magsabi kung ano ang Iyong ginawa. Amen.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Ignited: A Simple Guide for Bold Prayer

Ang panalangin ay isang regalo, isang kamangha-manghang pagkakataon na magkaroon ng kaugnayan sa ating Ama sa Langit. Sa anim na araw na ito, malalaman natin kung ano ang itinuturo ni Jesus sa atin tungkol sa panalangin at mabigyang-inspirasyon tayo na manalangin palagi at nang may matinding katapangan.

More

Nais naming pasalamatan si Christine Caine - A21, Propel, CCM sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.propelwomen.org