Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nagningas: Isang Simpleng Gabay para sa Matapang na PanalanginHalimbawa

Ignited: A Simple Guide for Bold Prayer

ARAW 1 NG 6

Ang Panalangin ang Priyoridad

Sa Mateo 9:37-38, sinabi ni Jesus,

Ang aanihin ay marami, datapwa't kakaunti ang mga manggagawa. Kung kaya, Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin na magpadalang mga manggagawa sa kaniyang aanihin(ABTAG., emphasis added).”

Ang salita para sa “magpadala” sa Griyego ay nangangahulugan na “itulak”. Ang Propel Women ay natatag sa talatang ito. Kaya habang sinisikap natin na magningas sa ating mga panalangin, gagawin natin ang eksaktong iniutos ni Jesus: tayo ay mananalangin sa Panginoon ng aanihin na magpadala ng mga manggagawa—na magtutulak sa atin—sa aanihin na ito. Ang aanihin ay marami. Ang pagkakataon para sumulong sa Kaharian ng Diyos ay narito at ngayon. Ano ang susi upang mangyari ito? Panalangin!

Ang panalangin ay nangangahulugan lamang ng pakikipag-usap sa Diyos. Ito ay maaaring isang pag-uusap na nangyayari sa iyong puso o nang malakas. Maaaring mangyari ito nang nag-iisa o sa isang grupo. Maaaring mangyari ito habang ang ating mga paa ay matatag na nakatayo sa lupa, o libu-libong talampakan ang taas sa himpapawid. Ngunit narito ang kamangha-manghang bagay: Habang tayo ay nananalangin, nakikinig, nagsasalita at tumutugon ang Diyos.

Ang Diyos ng Sanglibutan aynais na marinig ka. Ang Diyos ay hindi lamang nagsimula ng isang pag-uusap at nag-anyaya sa atin na mangusap sa Kanya sa panalangin, kundi Siya rin ang nagsasama ng ating mga panalangin sa mga gawain na ginawa Niya sa lupa!

Nasaan ka man, anuman ang iyong pinagmulan, anuman ang saklaw ng iyong impluwensiya — sa merkado, isang inang nasa bahay lang, isang CEO, isang doktor, isang guro, isang estudyante, isang abogado, o isang dalubsining —ang panalangin ang pangunahing lugar kung saan ang gawain ng Diyos at ang iyong gawain sa mundong ito ay nagsasama-sama. Habang tayo ay nananalangin, nangako ang Diyos na ililipat ang mga bundok, yayanigin ang mga pundasyon, at aabot sa malaking ani ng mga taong hindi pa nakakakilala sa kanya. Ginawa ito ng Diyos sa paraang ang ating mga maliliit na panalangin ay magkaroon ng walang hanggan at kasing-laking Kaharian na pagkakaiba! Binabago ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan at sa pamamagitan ng ating mga panalangin!

Panalangin:

Panginoon, dalangin ko na sa taong ito makita Kita na kumikilos na may kapangyarihan upang dalhin ang mga tao sa Iyo. Ayon sa Iyong Salita sa Mateo 9:37-38, nawa ay mayroong mas maraming manggagawa na itinutulak sa pag-aani kaysa dati. Hayaang ang mga araw na susunod ay mamarkahan ng isang masaganang ani para sa Iyong kaluwalhatian at pagsulong ng Iyong Kaharian dito sa lupa. At ipinapangako ko sa Iyo ngayon na ako ay magiging bahagi nito. Amen.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Ignited: A Simple Guide for Bold Prayer

Ang panalangin ay isang regalo, isang kamangha-manghang pagkakataon na magkaroon ng kaugnayan sa ating Ama sa Langit. Sa anim na araw na ito, malalaman natin kung ano ang itinuturo ni Jesus sa atin tungkol sa panalangin at mabigyang-inspirasyon tayo na manalangin palagi at nang may matinding katapangan.

More

Nais naming pasalamatan si Christine Caine - A21, Propel, CCM sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.propelwomen.org