Nagningas: Isang Simpleng Gabay para sa Matapang na PanalanginHalimbawa
Ang Aralin ni Jesus sa Panalangin
Hindi ipinalagay ni Jesus na alam na natin ang lahat tungkol sa panalangin. Malugod Niyang itinuro sa Kanyang mga taga-sunod na gustong matuto kung paano manalangin sa Sermon sa Bundok, na nagsasabi:
“Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala. Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya.
“Ganito kayo mananalangin:
Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang iyong pangalan.
Nawa'y maghari ka sa amin.
Sundin nawa ang iyong kalooban
dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming hayaang matukso,
kundi iligtas mo kami sa Masama.”
- Mateo 6:6–13 (RTPV05)
Pansinin ang ilan sa mga katotohanan na isinama ni Jesus:
- Ang panalangin ay hindi kailangang mahaba at masalimuot.
- Ang panalangin ay hindi para maging isang publikong pagtatanghal, kundi ito ay tungkol sa pakikipag-ugnayan sa Diyos.
- Ang panalangin ay tinatanggap ng Diyos. Gusto Niyang tumugon kung tayo ay lumalapit sa kanya.
- Ang panalangin ay isang pagkakataon upang sumamba sa Diyos at kilalanin ang kanyang kadakilaan.
- Ang panalangin ay maaaring kapalooban ng paghingi ng kapatawaran, paghiling ng probisyon, at paghahanap sa kalooban ng Diyos.
- Ang panalangin ay nagsusulong sa Kaharian ng Diyos sa lupa!
Ang ating kasanayan at pagiging makabago ay hindi mahalaga, dahil hindi natin inilalagay ang ating tiwala sa kapangyarihan ng ating mga panalangin. Ang ating tiwala ay nasa kapangyarihan ng Diyos, na nagmamahal sa atin at nakikinig sa atin at kumikilos kapag tayo ay nananalangin. Ito ang dahilan kung bakit tayo'y nananalangin.
Ang “tamang mga salita” o ang partikular na pormula ay hindi ang sentro sa panalangin. Si Jesus lamang.
Panalangin:
Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan. Nawa'y maghari Ka sa amin. Sundin nawa ang Iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw; at patawarin Mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas Mo kami sa masama.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang panalangin ay isang regalo, isang kamangha-manghang pagkakataon na magkaroon ng kaugnayan sa ating Ama sa Langit. Sa anim na araw na ito, malalaman natin kung ano ang itinuturo ni Jesus sa atin tungkol sa panalangin at mabigyang-inspirasyon tayo na manalangin palagi at nang may matinding katapangan.
More