Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap sa Tunay na Kaligayahan: Mga Debosyonal kasama si John PiperHalimbawa

Finding Real Happiness: Devotions with John Piper

ARAW 3 NG 3

May mga umagang nagigising akong pakiramdam ko ay marupok ako. Mahina. Ito’y madalas malabo. Wala ni isang lunas. Walang kahinaan. Isa lamang pakiramdam na animo’y may mangyayaring mali at ako ang responsable sa pangyayari.

Ito’y madalas nangyayari pagkatapos ng matinding kritisismo. Napakaraming iniaasa sa iyo na may mga takdang panahon na dapat matapos at tila napakalaki at napakarami.

Sa pagbabalik tanaw ko sa loob ng 50 taon na paulit-ulit na pangyayari tuwing umaga, labis akong nagtaka kung paanong napangalagaan ng Panginoong Jesus ang aking buhay. At ang aking ministeryo. Ang tuksong tumakbong papalayo sa mga kapaguran ay hindi kailanman nanaig, hindi pa naman hanggang ngayon. Ito ay kahanga-hanga. Sinasamba ko Siya dahil dito.

Sa halip na hayaan akong lumubog dahil sa pagkaparalisa sa takot o tumakbo sa nagpapanggap na kasaganahan, ginising Niya ang isang pagtawag ng tulong at pagkatapos ay sumagot ng isang matibay na pangako.

Narito ang isang halimbawa. Ito ay kamakailan lamang. Nagising akong pinanghihinaan ng loob. Mahina. Marupok. Nanalangin ako: “Panginoon, tulungan Mo ako. Ni hindi ko alam kung paano ako mananalangin.”

Matapos ang isang oras habang binabasa ko ang aklat ng Zacarias, habang hinahanap ko ang tulong na aking hinihingi. Ito ay dumating.

Ang Jerusalem ay titirahan ng napakaraming tao at hayop tulad ng bayang walang pader. Si Yahweh mismo ang magiging pader na apoy ng Jerusalem, at ang kaluwalhatian niya'y lulukob sa buong lunsod. (Zacarias 2:4-5)

Magkakaroon nga ng kasaganahan at paglago para sa bayan ng Diyos at ang Jerusalem ay hindi na kayang lagyan ng pader. “Na sa karamihan ng tao at hayop” na parami pa ng parami, ang Jerusalem ay magmimistulang malaking pamayanan na kumakalat sa isang lugar na walang pader.

Ang kasaganahan ay maganda, subalit paano naman ang kaligtasan?

Kung saan sinabi naman ng Diyos sa Zacarias 2:5, “Si Yahweh mismo ang magiging pader na apoy ng Jerusalem.” Tama. Ito ang pangako. Ang “Gagawin Ko” ng Diyos. Iyan ang aking kailangan.

At kung ito ay totoo para sa mga mahihinang tao sa mga pamayanan sa Jerusalem, ito ay totoo na rin sa akin na anak ng Diyos. Ang Diyos ang magiging pader na apoy na nakapalibot sa akin. Totoo. Siya nga. Ang laging nariyan sa akin at mananatiling nariyan para sa akin.

At lalo pa itong bumubuti. Sa loob ng pader na apoy ng kaligtasan ay sinasabi Niya, “na ang kaluwalhatian Niya ay lulukob sa buong lunsod.” Hindi lang proteksyon ang hangad ng Diyos para sa atin kundi pati rin ang ganap na kasiyahan sa Kanyang presensya.

“What to Do if You Wake Up Feeling Fragile”

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Real Happiness: Devotions with John Piper

Tayo ay binibigyang halaga ng Diyos. Ngunit ang punto ay maialis tayo sa ating mga sarili upang ating matamasa ang Kanyang kadakilaan. Sa 3-araw na debosyonal na ito, hinihimok ni John Piper ang mga mambabasa na tumingin nang higit pa sa mga gawa ng pag-ibig ni Jesus upang makita ang layunin ng Kanyang pag-ibig.

More

We would like to thank John Piper and Desiring God for providing this plan. For more information, please visit: www.desiringgod.org