Paghahanap sa Tunay na Kaligayahan: Mga Debosyonal kasama si John PiperHalimbawa
Subukin mo ang sarili mo. Anong takbo ng isipan mo? Nagsisimula ka ba sa Diyos at sa Kanyang mga karapatan at mga layunin? O nagsisimula ka ba sa sarili mo at sa iyong mga karapatan at mga minimithi?
At kapag pinagmasdan mo ang kamatayan ni Cristo, anong nangyayari? Ang kaligayahan mo ba ay talagang nanggagaling mula sa pagsasalin ng kahanga-hangang banal na gawang ito upang mapalakas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili? O nakalalabas ka ba sa iyong sarili at napupuno ng pagkamangha at paggalang at pagsamba na dito sa kamatayang ito ni Jesus ay matatagpuan ang pinakamatindi, pinakamalinaw na pagpapahayag sa walang katapusang pagpapahalaga ng Diyos sa Kanyang kaluwalhatian at sa Kanyang Anak?
Narito ang isang dakilang pundasyon para sa lubos na katiyakan ng pag-asa: ang kapatawaran ng mga kasalanan ay batay, hindi sa aking gawang may hangganan ang halaga, kundi sa walang katapusang kahalagahan ng katuwiran ng Diyos, sa walang pasubaling katapatan ng Diyos na pagtibayin at itaguyod ang kaluwalhatian ng Kanyang pangalan.
Nagsusumamo ako sa iyo nang buong puso, manindigan ka sa bagay na ito, Gawin mong batayan ito ng iyong buhay, Maging saligan ito ng iyong pag-asa. Magiging malaya ka mula sa walang saysay na kaisipan ng mundo, At hindi ka kailanman mabibigo.
Kapag ang pagpaparangal ng Diyos sa pagiging Diyos ni Cristo ang siyang kaligayahan mo, hindi ito kailanman mabibigo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tayo ay binibigyang halaga ng Diyos. Ngunit ang punto ay maialis tayo sa ating mga sarili upang ating matamasa ang Kanyang kadakilaan. Sa 3-araw na debosyonal na ito, hinihimok ni John Piper ang mga mambabasa na tumingin nang higit pa sa mga gawa ng pag-ibig ni Jesus upang makita ang layunin ng Kanyang pag-ibig.
More