Paghahanap sa Tunay na Kaligayahan: Mga Debosyonal kasama si John PiperHalimbawa
Ang mga mananampalataya ni Jesus ay mahalaga sa Diyos (tayo ang Kanyang pakakasalan!). At mahal na mahal Niya tayo kaya nga hindi Niya hahayaang ang pagiging mahalaga natin ang maging diyos natin.
Tunay ngang malaki ang pagtingin sa atin ng Diyos (tayo'y Kanyang inampon!), ngunit ginagawa Niya ito sa paraang inilalabas Niya tayo sa mga sarili natin upang tamasahin natin ang Kanyang kadakilaan.
Subukin ninyo ang sarili ninyo. Kung dumating si Jesus upang gugulin ang isang araw kasama ka, umupong katabi mo sa isang sopa, at sabihin, “Mahal talaga kita,”anong pagtutuunan mo sa buong araw na kasama mo Siya?
Tila baga napakaraming mga awitin at pangaral ang nag-iiwan sa atin ng maling sagot. Nag-iiwan sila ng paniniwalang ang tugatog ng ating kaligayahan ay ang paulit-ulit na damdamin ng pagmamahal. “Mahal Niya ako!”“Mahal Niya ako!”Kaligayahan talaga ito. Ngunit hindi ito ang tugatog at hindi ito ang dapat pagtuunan.
Ano ang sinasabi natin sa mga salitang “Minamahal ako”? Anong ibig nating sabihin? Ano itong “minamahal”?
Hindi ba ang pinakadakila, ang kaligayahang tunay ngang nagbibigay kapurihan kay Cristo ay matatagpuan sa pagmamasid kay Jesus buong araw at pagbulalas ng, “kamangha-mangha!”“Ikaw ay kamangha-mangha!”
- Sinasagot Niya ang pinakamahirap na katanungan, at ang Kanyang karunungan ay kamangha-mangha. Hinahawakan Niya ang marumi at humuhulas na sugat, at ang kahabagan Niya ay kamangha-mangha.
- Binuhay Niya ang isang namatay nang babae na nasa opisina ng medical examiner, at ang Kanyang kapangyarihan ay kamangha-mangha.
- Hinulaan Niya ang mangyayari sa hapon, at ang kaalaman Niya sa simula pa lamang ay kamangha-mangha.
- Natutulog Siya habang may lindol, at ang pagkawalang-takot Niya ay kamangha-mangha.
- Sinasabi Niyang, “Bago pa ipinanganak si Abraham, Ako ay AKO NA,”at ang Kanyang mga salita ay kamangha-mangha.
Naglalakad tayong kasama Siya at tunay ngang tayo ay namamangha sa ating nakikita.
Hindi ba dahil sa Kanyang pagmamahal para sa atin kaya may pananabik Siyang gawin ang lahat ng kailangan Niyang gawin (kasama na ang mamatay para sa atin) upang tayo ay humanga sa Kanya at hindi para masunog dahil sa Kaniya? Katubusan, kabayaran, kapatawaran, pagbibigay-katarungan, pakikipagkasundong muli, - ang lahat ng ito ay kailangang mangyari. Sila ang mga gawang pagmamahal.
Ngunit ang layuninng pagmamahal na siyang gumagawa sa mga gawang ito na maging kilos ng pagmamahal ay ang tayo ay makasama Niya at makita natin ang makalaglag-pangang kaluwalhatian Niya at ang tayo ay lubos na humanga sa Kanya. Sa mga pagkakataong iyon ay nakakalimutan natin ang ating mga sarili at nakikita at nararamdaman natin Siya.
Kaya nga hinihimok ko ang mga pastor at mga guro: Itulak ninyo ang mga tao sa pamamagitan ng mga gawa ng pagmamahal ni Cristo patungo sa layunin ng Kanyang pagmamahal. Kung ang katubusan at ang kabayaran at ang kapatawaran at ang pagbibigay-katuwiran at ang muling pakikipagkasundo ay hindi nagdadala sa atin upang matamasa natin ang pamamahal ni Cristo, sila ay hindi pagmamahal.
Ipagpatuloy mo ito. Ito ang ipinalangin ni Jesus.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tayo ay binibigyang halaga ng Diyos. Ngunit ang punto ay maialis tayo sa ating mga sarili upang ating matamasa ang Kanyang kadakilaan. Sa 3-araw na debosyonal na ito, hinihimok ni John Piper ang mga mambabasa na tumingin nang higit pa sa mga gawa ng pag-ibig ni Jesus upang makita ang layunin ng Kanyang pag-ibig.
More