Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Susunod: Edisyon para sa Mag-aaralHalimbawa

What's Next: Student Edition

ARAW 4 NG 7

Omni ⏎ May tatlong katawagang ginagamit sa paglalarawan ng mga pangunahing katangian ng Diyos. Ang lahat ay nagsisimula sa Omni, na nangangahulugang ang "lahat" nang Diyos ay Omniscient o nalalaman ang lahat ng bagay, Omnipotent o pinaka-makapangyarihan sa lahat, at Omnipresent o nasa lahat ng dako. Ang Diyos ay omniscient, na nangangahulugang alam Niya ang lahat ng bagay. Alam Niya ang nilalaman ng iyong pag-iisip, layunin— alam Niya kung ano ang iyong pangangailangan higit pa sa iyo. Wala Siyang hindi kayang unawain, maintindihan, o mabatid. Alam ng Diyos ang lahat ng bagay. Ang Omnipotence ng Diyos ay tumutukoy sa katotohanang ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat. Wala nang mas lalaki at hihigit pa sa Diyos. Walang bagay na hindi Niya kayang pangasiwaan. Ang Diyos ay matatag at kayang pangasiwaan ang lahat ng suliranin ng mundong ito, pati na ang mga pagsubok na kinakaharap mo. Dapat mong malaman na ang Diyos ay higit pa sa anumang bagay na iyong pinagdadaanan. Kung sa palagay mo'y hindi mo kayang harapin ang mga ito, para sa Diyos na makapangyarihan sa lahat ito ay maaaring mapagtagumpayan.
Ang Diyos ay omnipresent o nasa lahat ng dako. Walang lugar na hindi Siya naroon. Siya ay palaging nasa lahat ng dako. Walang lugar na hindi abot ng Kanyang presensiya. Sa tuwing nararamdaman mong tila nag-iisa ka, alalahanin mo na ang Diyos ay kasama mo.
Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

What's Next: Student Edition

Sa 7-araw na batayang planong ito, tuklasin sa Salita ng Diyos kung sino ang Diyos at sino ka Niya nilikha.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church para sa planong ito. Para sa dagdag kaalaman, maaring bisitahin ang: www.life.church