Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Susunod: Edisyon para sa Mag-aaralHalimbawa

What's Next: Student Edition

ARAW 1 NG 7

Nabunyag na Diyos

Minsan mahirap makita ang Diyos, subalit kapag binigyang pansin at hinanap Siya malalaman mong ipinahahayag Niya ang sarili sa iba't-ibang paraan.

Isang paraan kung paano pinahahayag ng Diyos ang sarili ay sa pamamagitan ng Kanyang nilikha gaya ng sinasabi ng Mga Taga-Roma 1:20. Tingnan ang pambihirang mundo natin--ang mga marilag na kabundukan, malawak na karagatan. May kariktan sa buong paligid. Ito ang marka ng Diyos--Kanyang bakas.

Isa pang paraan ng Diyos sa pagpapahayag ng sarili ay sa ating budhi. Sinasaad ng Mga Taga-Roma 2:15 na tayong lahat ay ginagabayan ng ating puso kung ano ang tama at mali -- ang tinig sa ating isip at puso na pinipili nating pakinggan o hindi. Ito'y pangunguna ng Diyos sa atin.

Ipinahahayag din ng Diyos ang sarili sa pagsugo sa Kanyang anak na si Jesus sa atin. Winika ni Jesus sa Juan 14:9 na ang sinumang nakakita sa Kanya (Jesus) ay nakakita na sa Ama. Si Jesus ang larawan ng hindi nakikitang Diyos at makikilala natin ang Diyos sa pamamagitan Niya.

Ang Salita ng Diyos ay isang mabisang paraan din upang makilala ang Diyos. Pinakikita ng Bibliya ang Diyos at kung paano Siya makitungo sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng Bibliya nakikita natin ang katangian ng Diyos at ang dakilang kwento Niya sa paglipas ng panahon.

Paano pinahahayag ng Diyos ang sarili Niya sa iyo ngayon? Sa linggong ito pansinin ang mga palatandaan ng Diyos at kung paano Niya pinakikilala ang sarili sa'yo at sa buhay mo
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

What's Next: Student Edition

Sa 7-araw na batayang planong ito, tuklasin sa Salita ng Diyos kung sino ang Diyos at sino ka Niya nilikha.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church para sa planong ito. Para sa dagdag kaalaman, maaring bisitahin ang: www.life.church