Susunod: Edisyon para sa Mag-aaralHalimbawa
Ang Trinidad
Ang Trinidad ay konsepto tungkol sa mga katauhan ng Diyos. Ang Diyos ay tatlong nagkaisa, at isang naging tatlo. Ang Diyos ay ang Ama, Anak at Espirito Santo. Ang lahat ay Diyos at ang Diyos ay lahat ng tatlong ito Ama, Anak, at Espirito Santo.
Ang Ama ang tagapamahala ng sangkatauhan. Makikita natin ang katunayan nito sa kabuuan ng lumang tipan ng Bibliya. Sa Bagong Tipan, ang Diyos ay bumaba mula sa langit at nagkatawang-tao bilang si Jesus. Siya ang Anak ng Diyos. Jesus, ang Anak ng Diyos, ay tao at Diyos. Siya ang nanagot sa ating mga kasalanan sa krus. Ang buhay ni Jesus ay mababasa sa mga ebanghelyo (ang unang apat na aklat ng Bagong Tipan: Mateo, Marcos, Lucas, at Juan). Tapos ay dumating ang ikatlong katauhan ng Diyos, ang Espirito Santo. Kapag tinanggap natin na namatay si Jesus para sa atin, ang Diyos Ama ay nagpapadala ng Espirito Santo, na nabubuhay sa atin. Ang Espirito Santo ang ating gabay at taga-aliw at namamagitan sa Diyos para sa atin. Pagkatapos mamatay ni Jesus, mabuhay mag-uli, at umakyat sa langit, ang Espirito Santo ay napasa unang Iglesia (matapos ang mga aklat ng Ebanghelyo sa Bagong Tipan).
Ito'y isang mahirap na konseptong intindihin. Ang Diyos ay lubhang malawak at malalim at hindi natin lubusang magagagap. Alamin mo ito: ang Diyos Ama ay nakasubaybay sa iyo, si Jesus ay namatay para sa'yo, at ang Espirito Santo ay nasa iyo at gumagabay sa'yo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 7-araw na batayang planong ito, tuklasin sa Salita ng Diyos kung sino ang Diyos at sino ka Niya nilikha.
More
Nais naming pasalamatan ang Life.Church para sa planong ito. Para sa dagdag kaalaman, maaring bisitahin ang: www.life.church