Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Capacity: Student LeadershipHalimbawa

Capacity: Student Leadership

ARAW 5 NG 5

1 Timoteo 4:12-16
Maaaring napakadaling paniwalaan ang kasinungalian na ikaw ay masyadong bata pa upang gumawa ng mga dakilang bagay. Ngunit ito ay pawang walang katotohanan. Ikaw, sa ngayon, ay mayroong kakayahang magtakda ng isang halimbawa para sa LAHAT sa iyong buhay. Maaari kang gumawa ng pagbabago, at hindi mo kailangang maghintay hanggang sa ikaw ay mas tumanda, mas maging matalino, o mas mature. Gagamitin ka ng Diyos kung ano ka ngayon. Kaya, manindigan sa kung ano ang tawag sa iyo ng Diyos at kung ano ang nais Niya na maging ikaw. Ibigay nang buong puso ang iyong sarili sa tawag ng Panginoon. Kung ito ay gagawin mo, makikita mo ang Diyos na gagawa ng mga kahanga-hanga, kalugod-lugod, at kapana-panabik na mga bagay sa at sa pamamagitan ng iyong buhay. Humayo at mamuhay na tinatangkilik ang Diyos, kung ano ang nais Niya na maging ikaw. Papurihan Siya nang lahat na mayroon ka at nang iyong buong pagkatao.

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Capacity: Student Leadership

Tinawag ka ng Diyos para sa mga dakilang bagay. Hindi lamang kung ikaw ay may edad na, ngunit sa ngayon mismo. Ang planong ito ay upang hikayatin ka at ipakita sa iyo kung paano mamuno sa iyong kinalalagyan sa iyong buhay ngayon. Kayang-kaya at tunay ngang ikaw ay gagamitin ng Diyos sa mga kahanga-hangang paraan. Ang tanong ay hahayaan mo ba Siya?

More

We would like to thank Switch, a ministry LifeChurch.tv, for providing this plan. For more information, please visit: www.lifechurch.tv